Fan Fiction |
by ako_ay_ako
“K-Keith, tama na, please?” pakiusap niya sa nobyo.
Kaagad naming naawat si Keith at umalis na sila sa party na yon.Hanggang sa kotse ay nagwawala ito. Kulang na alng ay ibangga nito ang sasakya sa sobrang galit.
Samantalang hindi na natatakot si Roxanne sa gano’ng ugali ng nobyo. Nasanay na siya sa maraming pagwawala nito sa loob ng dalawang-taong relason nila.
At nang mga oras na iyon, wala na siyang sinasabing anuman, ayaw na niyang magpaliwanag. Nakaupo lang siya, naka-seat belt at nakikinig sa lahat ng galit na nobyo.
“Ano? Magsalita ka? Ano’ng idadahilan mo sa akin?”
Walang maidahilan si Roxanne kay Keith. Wala siyang alam sa nararamdaman nito dahil wala naman syang kasalanan.
“May relasyon kayo ng gagong yon, noh?”
Napapikit nang mariin si Roxanne.
Nagmura si Keith. Lalo itong nagwawala sa galit dahil sa nagging reaksiyon niya. “Halatang-hakta ang mga kilos nyo! Hinid ka na nahiya sa akin!”
Napilitan na si Roxanne na ipaliwanag ang sarili. “K-Keith, wala naming akong kailangang I-explain. Huwag kang magalit nang ganyan.”
Humingal sa galit si Keith. “Nakita ko, kulang na lang ay halikan ka niya!”
“L-laro lang iyon. Walang ibang intensiyon sa akin si Kirby.”
“Sinadya nyong kayo ang maging partner. Nandoon naman ako, pwede naming tayo ang maging magkapareha.”
Hindi magawang sabihin ni Roxanne na outsider si Keith sa party na iyon, at ang mga empleyado lang ang qualified na maglaro. Alam niyang lalong magwawala si Keith dahil ayaw nito ng pakiramdam na naiitsapuwera.
“Kasama ni Kirby ang girlfriend niya, nandoon ka rin. Wala kaming malisya ni Kirby sa isa’t isa. Magkaibigan kami.”
Paulit-ulit siyang nagpaliwanag, pero paulit-ulit pa rin siyang sinisigawan ni Keith. Hanggang sa napaiyak at napahagulhol na siya nang malakas. Alam niyang gusting-guston ni Keith na umiyak siya kapag nagagalit ito, parang iyon an pinakaganti ng nobyo sa kanya-ang mapaiyak din siya sa galit.
Hanggang sa maihatid na siya nito sa bahay, hindi pa rin kalmado si Keith.
Galit na nagmura na rin si Roxanne. At sa bandang huli ay nagdesisyon na siya. “Sige, Keith. Kung wala ka nang tiwala sa akin, mabuti pa, break na tayo.”
“Sinong ipinagmamalaki mo? Ang gagong yon?”tanong ni Keith
Inaasahan na niya ang sasabihin ni keith. Pero hindi nito inaasahan ang kanyang isasagot. “Oo, ang gagong yon! Saka siya bumaba ng kotse at malakas na isinara ang pinto. Nag-walk out na siya sa nobyo.
“Roxanne!” sigaw pa nito sa kanya.
Ngunit hanggang sa makapasok na si Roxanne sa loob ng bahay, hindi na niya pinansin si Keith.
Noon, inaamo niya si Keith hanggang sa makalma ito. Pinagtitisan niya ang lahat para maayos ang relasyon nila. Pero sa pagkakataong iyon, alam ni Roxanne na hinid na niya kayang magtiis. Handa na siyang tapusin ang lahat sa kanila ni Keith.
Subalit hindi pa natatapos ang gabing iyon, tinawagan na siya ni Keith sa telepono. And this time, ito naman ang humingi ng sorry at isa pang pagkakataon.
“I’m really sorry, Roxanne. You know how much I love you kaya ako nagkakaganito.”
Napapikit nang mariin si Roxann, umagos ang luha niya sa pisngi. Eto na naman si Keith, at ang walang-katapusang paghingi nito ng tawad ay sa na naming pagkakataon.
~*~*~*~*~*~*~*
SELOSO, demanding, paranoid at selfish si Keith. Halos lahat ng negatibong ugali ay taglay na nito.
Maski ang mga close friends at kasamahan niya sa opisina ay naiinis sa ugaling iyon ng kanyang nobyo. Nakilala ng mga ito si Keith bilnag taong walang konsiderasyon, walang pasensiya, at walang modo.
Nasasaktan na si Roxanne sa katotohanang ang lalaking pinili niyang mahali ay taglay ang mga pag-uugaling iyon.
Pero hindi lang sa kanya nagkakaganon si Keith. Maski sa personal nitong buhay. Wala itong permanenteng trabaho dahil hindi makatagal ang sinumang nakakasama nito.
Graduate si Keith ng Management, subalit kabaligtaran ng kurso ang kaya nitong gawin sa buhay. Kahit sarili ay hinid nito magawang I-manage nang maayos.
Mayaman ang mga magulang ni Keith at maraming family business. Iyon ang dahilan kung bakit kampante ito na wlang permanenteng trabaho. Umaasa ito sa pera ng mga magulang. Solong anak ito at lumaking spoiled sa lahat ng bagay.
“May attitude problem ang boyfriend mo, malaki ang problema niya sa sarili. Can you imagine? Magseselos siya pati kay Kirby, may girlfriend na yung tao.”
Maski ano’ng sabihin ng mga kaibigan niya, nakikinig lang si Roxanne. Hindi niya magawang ipagtanggol si Keith dahil sawang-sawa na siyang ipagtanggol ito.
“Hindi ko siya mapatawad sa ginawa niyang panggugulo sa party. Hindi nyo naman kasalanan ni Kirby kung kayo ang nagging partner sa game na yon. EH, sa nagging sweet ang pagkakagatan nyo ng mansanas. Kasalanan nyo ba yon?”
“At saka, bakit naman yung girlfriend ni Kirby, nandoon din naman, pero hinid nagselos? Ano’ng karapatan niyang manuntok at manggulo sa party natin?”
“He’s a brat, grabe!”
“Paano mo siya napagtitiisan?”
“I don’t know. Basta pinagtitiisan ko na lang.”
“Don’t tell me na gano’n mo siya kamahal?”
Alam ni Roxanne, hindi niya ganon kamahal si Keith kaya siya nagtitiis. Na-trap na alng siya ng relasyon nila dahil sa loob ng tatlong, ilang beses na siyang nakipag-break ditto. Pero paulit-ulit itong humihingi ng tawad at chance.
At iyon ang pagkakamali ni Roxanne dahil ibinibigay niya ang chance na iyon sa nobyo.
“M-Mabait naman si Keith, talaga lang hyper siya. Marami naman siyang good qualities, hinid nyo lang nakikita.”
“At ayaw na naming makita “ sabi pa ng isa.
Napailing si Roxanne. Alam niya, anuman ang kanyang sabihin, negatibo na ang pagtingin ng mga kaibigan niya kay Keith. Naniniwala naman siya sa mga ito. At maski siya, unti-unti na rin siyang nagsasawa sa ugaling iyon ng nobyo. Naghihintay lamang siya ng isang pagkakataon para makipag-break ditto.
Isang break-up na alam niyang wala nang isa pang pagkakataon.
~*~*~**~~**~*~*~
NAGKAUSAP sila ni Kirby nang araw ding iyon sa kanilang opisina.
“Ba’t ikaw ang magso-sorry? Hindi naman ikaw ang nanggulo/
“Ako ang nagsama sa kanya sa party.”
“Next time, alam mong hindi mo na siya dapat isama.”
“Sorry talaga ha? Ano’ng sabi ng girlfriend mo?”
“Wala.” Saka nagkibit balik ito/
“Nahihiya ako sa knyo.”
“Wala na yon. Kalimutan na natin iyon.”
“Sige, Kirby, thanks.” Tumalikod na siya, pero muling tinawag ni Kirby ang pangalan niya.
“Huwag kang magtiis kay Keith; masasaktan ka lang sa kanya. Maraming lalaki na mas deserving sa’yo,” sabi nito.
~*~*~*~**~
SINUNDO siya ni Keith sa opisina nang hapong iyon, pero nasa lobby lang ito. Hinid ito pumasok sa loob ng kanilang opisina dahil alam nito ang konsekwensiya ng trouble na ginawa sa party.
“Hi.”
Hindi rin inaasahan ni Roxanne na darating ito nang hapong iyon. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Galit ka pa pala sa akin?”
“Alam mo naming galit sa’yo ang mga tao rito.”
“Wala akong pakialam sa kanila. Ikaw lang ang iniisip ko. Sa’yo lang ako hihingi ng tawad dahil sa ginawa ko.” Alam ni Roxanne, hindi titigil si Keith hangga’t hindi siya nito napagtatagumpay amuin.
“Please, patawarin mo na ako..”
“Saka na lang tayo mag-usap, Keith…”
Nabigla siya nang lumuhod si Keith. “Hindi ako aalis ditto hangga’t hindi mo ako pinatatawad.”
Naeskandalo nang husto si Roxanne dahil maraming nakakita sa ginawang iyon ni Keith. Agad siyang sumama kay Keith paalis ng lobby ng building na iyon.
Alam ni Keith kung paano siya aamuin. May dala itong flowers and chocolates. Nag-dinner sila sa isang restaurant at ang lambing-lambing nito.
Pinagbibigyan lamang niya ang nobyo; ngunit deep inside her, hindi pa rin naalis ang inis at galit niya sa mga ginagawa nito.
“Maski naman ganito ako, alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal.”
Mapait na ngiti ang itinugon niya sa sinabing iyon ni Keith.
“You know me better. Natanggap ko naman ang lahat, pati ang nakaraan mo at ang mga ginawa sa’yo ni Joross.”
Natigilan sia. Hinid niya akalain na sasabihin iyon ni Keith sa kanya.
“Noong una mong ipinagtapat sa akin ang lahat, nagkaroon ako ng struggle.” Noon lamang nagsalita nang ganon si Keith sa loob ng dalawang-taong relasyon nila. “Akala ko, hind ko matatanggap ang nakaraan mo. Pero na-realize ko, hindi mo naman kasalanan yon.”
Unti-unting nag-iinit ang buong katawan ni Roxanne. Nakadama siya nng matinding kahihiyan sa kanyang sarili dahil sa mga sinasabi nito.
“You’re a rape victime. And you need acceptance, love and understanding. Ipinagkaloob ko naman sa’yo ang lahat ng iyon.”
Pakiramdam ni Roxanne,sinampal nang malakas ang mukha niya.
“Pakakasalan kita sa kabila ng lahat, Roxanne. Pangako ko yan sa’yo.”
Gusto niyang sumigaw, umiyak at magalit kay Keith, pero walang lumabas na tinig sa kanyang bibig.
Minura na lang ni Roxanne nang paulit-ulit si Keith sa isip niya.
~*~**~**~*~*~
SAMANTALA ay lulan ng eroplano nang mga sandaling iyon si Joross. Pabalik na siya sa Pilipinas pagkaraan ng sampung taong pananatili sa Canada.
Isa lang ang dahilan ng knayang pagbabalik ang patunayang wala siyang kasalanang ginawa noong 14 years old pa lang siya.
“Were now arriving any moment, please fasten your seatbelts.”
Ginawa ni Joross ang ini-announce ng flight stewardess. Tiniyak niyang maayos ang pagkakalagay ng suot na seatbelt.
Hindi niya alam kung bakit makaraan ang sampug taon, nakumbinsi ng knayang pamilya ang mga magulang ni Roxanne na iurong na ang demanda laban sa kanya.
Pero hindi iyon ang mahalaga sa kanyang pagbabalik kundi si Roxanne. Ang makitang muli ang babaing nagdulot ng pinakamasarap na sandali sa kanyang buhay, pero naging dahilan din ng sugat sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang puso. Ang babaing may-ari pa rin ng knayang puso hanggang sa kasalukuyan.
Hindi niya pinagsamantalahan si Roxanne.
At kaya na niyang patunayan ang katotohanang iyon.
~*~**~**~**~*~
MALALIM na ang gabi’y hindi pa rin makatulog si Roxanne.
Hindi siya mapakali nang mga sandaling iyon. Balisa ang kanyang isip at damdamin. Hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Keith ang tila panunumbat nito sa kanyang nakaraan.
Inilabas niya mula sa drawer ang CD ni Joey Albert, ang paborito niyang singer na babae noon, sampung taon na ang nakalilipas.
Isinalnag niya ang CD at paumainlang ang isang awit na nagpapaalala sa kanya kay Joross. Matagal na panahong paulit-ulit niyang pinagkikinggan iyon sa tuwing mami-miss niya ang kaibigan, kababata, at ang unang pag-ibig.
IKAW LANG ANG MAMAHALIN
By: Joey Albert
Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras kailangan na maghiwalay
Puso’y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka, muling mahahagkan?
Noong iwan siya ni Joross, akala niya’y katapusan na ng lahat. Matagal na panahon din ang paglimot. Hanggang sa dumating si Keith na pinaniwalaan niyang gagamot sa sugat na nilika ng paglayo ng unang pag-ibig.
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo’y magkikitanhg muli
Hanggang may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin…
Paulit-ulit lang ang liriko ng awit. At ang bawat nakaraan ay untin-unting nagbabalik, ang sugat sa knayang puso’y muling nanariwa/
Impit na napahagulhol si Roxanne.
Hanggang sa mga oras na iyon, umaasa pa rin siya sa pag-ibig ni Joross…