Fan Fiction |
by ako_ay_ako
Hindi siya nakikipagkita kay Keith dahil inlalaan niya ang araw na iyon para sa mga magulang, kapatid at pamangkin.
Habang binibigyan ni Roxanne ng ice cream ang mga pamangkin, napansin niyag lumayo ang aa at ang kanyang Kuya Neil. Tila may pinag-uusapan ang mga ito na mahalagang bagay na hindi pwedeng marinig ng maski na sino.
Nawala rin kaagad ang atensiyon niya sa ama’t kapatid dahil tumawag sa phone si Keith.
“Pupunta ako riyan,”sabi nito.
“Family day naming ngayon.”
“Bakit, kapamilya nyo naman ako, di ba?”
Maski alam na ni Keith na family day nila iyon, madalas itong nagsasabi na pupunta sa bahay nila sa gano’ng araw. Sa loob ng tatlong taon, hindi pa rin nakakaunawa si Keith ng salitang “patakaran”. Pilit pa rin itong nakikipamilya sa kanila.
“Keith, ngayon lang ang araw na makakasama mo ang daddy at mommy mo. Huwag ka nang umali ng bahay. Pwede naman tayong magkita bukas.”
“Boring kasi silang kasama.”
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Roxanne.
“I’ll be there within thirty minutes.”
“No, Keith,” awat niya.
“Why?”
Hindi na niya alam ang idadahilan sa nobyo. Hindi niya masabi na ang family day nila ay exclusive paa sa buong pamilya lamang. “It’s our family day. Hangga’t hindi tayo nakakasal. Iyon ang patakaran ng pamilya naming.”
Kailanga niyang sabihin iyon kay Keith. Kailangan niyang maging matapat sa nobyo para malaman nito ang salitang “limitasyon”.
“So, you’re telling me na hindi nyo pa ako ikino-consider na member ng pamilya nyo?”
Paranoid si Keith.
“Oo.”
Narinig niyang nagmura si Keith.
“I’m really srry, Keith. But I have to go. Walang nag-aasikaso sa mga pamangkin ko, nag-aaway-away sa pagkuha ng ice cream. Bye.”
Hindi na niya binigyan ng pagkakataon pang muling masalita sa phone si Keith, ibinaba na niya ang awditibo.
Nilapitan siya ng panganay na kapatid , si Niel. “Sis,”
Ngumiti siya sa kapatid.
Inakbayan pa siya ni Niel. “Kumusta na ba kayo ni Keith? Going strong ba?”
Tumawa siya nang mahina. Kabaligtaran ang iniisp ng kapatid sa totoong nagaganap sa kanila ng nobyo.
“Kailan ba ang kasal?”
“Wala pang plano.”
“Bakit? I thought nag-propose na siya sa’yo…”
“Ayoko pa. I’m not ready yet.”
“You’re not getting any younger.”
“Eh, sa ayoko pa. Sooner or later, mararamdaman ko naman kung gusto ko nang mag-asawa. Pero hindi pa talaga ngayon.”
“Okay. Pero sigurado ako, kapag nangyari iyon, Ikaw ang pinakamagandang bride, at napakapalad ni Keith.”
“Paano kung hindi siya ang mapili kong pakasalan?”
Ngumiti si Niel. “Paano kung si Joross pa rin?” Nanunukso ito.
Ngumiti siya sa panunuksong iyon. “Kuya…”
Mausyo sa kanya ang panganay na kapatid porke’t siya ang pinakabunso. Apat silang magkakapatid at dalawa silang babae. Close din naman siya sa kanyang Kuya Fer at Ate Melissa, pati sa mga anak ng mga ito. Siya na lamang ang single. AT inaabangan ng lahta kung kailan mag-aasawa.
“Alam mo ba na…joross is here?”sabi ng kanyang Kuya Niel.
Natigilan siya.
“nagbalikbayan na si Joross. Dumating siya the other night.”
Natitigilan pa rin siya, hindi pa rin makapaniwlaa. Noong isang gabi dumating si Joross? Nong gabning iniisp at nami-miss niya ito?
“He’s back para I-settle ang kasong isinampa natin laban sa kanya. Dad is very willing na iurong na ang kaso.”
“B-bakit?” Hindi siya makaniwala sa mga narnig.
“What do you mean why?”
Alam niya kung gaano kalaki ang galit ng kanyang pamilya kay Joross. Hindi niya akalain na basta na lamang iuurong ang kaso laban ditto.
“Paano nangyari? I mean, bakit iniurong ni Dad?”
“Hindi ko rin alma kay Dad. Basta yon ang nagging desisyon niya. Sila na ng daddy ni Joross ang nag-usap at nag-settle ng lahat. Sometime next week, maghaharap-harap na ang lahat kasama ang kani-kanyang abogado for settlement.”
Mag-best friend ang daddy niya at ang daddy ni Joross noong mga bata pa sila. Nagkaroon lamang ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa nangyari sa kanila ni Joross.
At ngayon, ang dalawa rin pala ang nag-ayos ng lahat.
Masaya siya sa nangyari, masaya siya kung totoong maaayos na ang lahat, at pinakamasaya siya sa katotohanang nagbalik na si Joross. Ngunit ang kaligayahang iyon ay may bahid na takot.
Baka hindi siya mapatawad ni Joross sa mga pagdurusang idinulot niya rito sampung taon na ang nakalilipas.
~*~*~**~*~*~
GAYA ng inaasahan ni Roxanne, nakita lang sila ni Keith para mag-away. Nasa kotse sila at nakaparada iyon sa parking lot ng opisinang pinagtratrabahuhan niya.
“Hindi mo ako kailangang bagsakan ng phone!”
Ngunit bukod sa isyung iyon, isa pang ikinagagalit ni Keith ay dahil nalaman nito na nagbalikbayan na si Joross upang ayusin ang lahat sa kanilang dalawa.
“It’s unfair! Naagrayado ka, tapos basta nyo na lang iuurong ang kaso?”
“Desisyon yon ni dad; wala akong magagawa.”
“Sana hindi ka pumayag. Sabihin mong ituloy ang kaso laban sa tarantadong iyon!”
“Keith, pamilya ko na ang mga kagustuhang tapusin na ang lahat ng kaguluhan na namagitan sa amin at sa pamilya nina Joross.”
“Naisahan ka ni Joross! Nakakalalaki siya sa akin!”
“Hindi ako naisahan ni Joross!” sigaw niya kay Keith.
“He raped you!” sigaw nito.
Isang malaks na sampal ang dumapo sa mukha ni Keith.
“H-He didn’t rape me!” matatag na wika niya.
Bumaba ng kotse si Roxanne at huli na para sundan siya ni Keith, may taxi na dumaan at kaagagad niya iyong pinara. Nakasakay na siya roon nang abutan siya ni Keith. Mabilis niyang inutusan ang driver na pasibarin ang saksakyan palayo.
Noon niya labis na pinagsisihan kung bakit nagging matapat pa siya kay Keith tungkol sa nakaraan nila ni Joross.
Malakas siynag napahagulhol.
~*~*~*~*~*~*
NASA terrace si Joross nang mga sandaling iyon, nakatanaw sa bahay nina Roxanne. Nilapitan siya kapatid na lalaki, si Mike.
“Problem?”
“N-Nagpapahangin lnag ako, Kuya Mike.”
“Thinking of something?”
Nagtama ang paningin nilang magkapatid.
“How is she, Kuya?”
“She’s fine, she looks great. Mas maganda siya ngayon, mas malakas ang personalidad. Gaya mo, malaki na rin ang ipinagbago ni Roxanne.”
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Joross.
“And I think naka-recover na siya sa nangyari sa inyo noon.” Tinapik ng kapatid ang balikat niya. “Huwag ka nang mag-alala. Tiniyak na sa atin ni Atty. Abalos na willing na ang mga Guinoo’s na iurong na ang demanda laban sa’yo.”
“bakit kaya?”
“That I really don’t know.”
“Nagtaka lang ako. Malaki ang galit sa akin ng pamilya ni Roxanne.”
“Maski si Dad, hindi rin niya inaasahan ang biglang pagbabago ng isip ng daddy ni Roxanne. Siya pa ang nakipag-appointment sa abogado natin para sabihing pauwiin ka na.”
“Hindi kaya tina-trao lang nila ako para bumalik sa Philippines? Para maituloy nila ang pagsasampa ng kaso laban sa akin?”
Umiling si Mike. “Hindi nila gagawin iyon. Tiniyak ng abogado nila kung ano ang gustonbg mangyari ng pamilya Guinoo. Besides, nagkausap na rin sa phone sina Dad at Mr. Guinoo; maayos na ulit sila. Sabi nga ni dad, nagyaya pa nga raw si Mr Guinoo na mag-tennis sila. Ibig sabihin kalmado na talaga ang mga Guinoo.”
Maski paano, nakumbinsi na rin si Joross na hinid siya tina-trap lang ng pamilya ni Roxanne. “Pero kahit pa ituloy nila ang demanda , this time, lalaban na ako. Haharapin ko na ang kasong isasampa nila laban sa akin. Hindi na ako tatakas sa pagkakataong iyo, Kuya Mike.”
“Alam mo, pwede rin naming sinabi na ni Roxanne ang totoo. Baka ipinagtapat na rin nya ang totoong relasyon nyo noon.”
Iniisip din niya ang posibilidad na iyon.
“Kasi may boyfriend na si Roxanne, baka magpakasal na sila at gusto na niyang I-settle ang lahat. Baka nagi-guilty rin siya sa nangyari sa inyong dalawa.”
Nabigla si Joross sa sinabing iyon ng kapatid. “M-May boyfriend na siya?”
Marahang tumango si Mike.
Sumigid ang kirot sa dibdib ni Joross. Si Roxanne, may boyfriend. Samantalang siya’y wala pang sommitment maski kaninong babae. Sa loob ng sampung taong paghihiwalay nila ni Roxanne, wala pa siyang minahal maliban kay Roxanne.
Muling nagpakawala si Joross ng malalim na buntonghininga. AT natanaw niya ang isang taxi na pumarada sa harapan ng bahay nina Roxanne. Bumaba ang isang babae.
“Si Roxanne,”sabi ng Kuya Mike niya.
Hindi niya napagmasdang mabuti ang mukha ni Roxanne. Agad itong pumasok sa loob ng bahay. Pero malakas ang tibok ng puso niya nang mga sandaling iyon.
Inakbayan siya ng kapatid. “You still like her?”
Hindi siya nakasagot. Napayuko na lamang siya.
“Malay mo, sa pagbabalik mo, magkabalikan kayo.”
Ngumiti nang mapait si Joross. “Sabi mo may boyfriend na siya at posiblenng malapit na silang magpakasal.”
“Well, hindi pa sila kasal. Anything can happen. Ang mahalaga ngayon, maayos nyo na muna ang lahat ng nangyari noon. Then, pwede na kayong mag-start all over again.”
Sa kabila ng sinasabing iyon ng kanyang kapatid, alam ni Joross, hindi gano’n kadali ang mga sinasabi nito. Matagal ang 10 years, maraming pwedeng nangyari.
Maski may pag-ibig pa, posibleng wala nang maging katuparan kahit kailan.
Ngunit sa sulok ng puso ni Joross, naroon pa rin naman ang pag-asa. Baka sakaling mahal pa siya ni Roxanne.
Gaya ng pagmamahal niya rito