Fan Fiction

♥Ikaw Lang Ang Mamahalin♥{CoMpLeTeD}

by ako_ay_ako

Chapter 3

The Present and The Past

MAHALAGA kay Roxanne ang araw na iyon.

Sa wakes, pagkaraan ng sampung taon, makikita niyang muli ang kanyang first love. May matinding takot at kaba sa dibdib niya, subalit napagtatakpan iyon ng matinding pananabik.

Lumabas na siya ng silid at nagtungo sa salas ng bahay. Dinatnan niya roon ang ama’t ina, ang panganay na kapatid, at ang abogado.

Naroon na rin ang pamilya ni Joross, ang kapatid nitong lalaki, ang ama’t ina, ang abogado at, higit sa lahat, si Joross.

“Iha, si Joross. “Ang ama niya ang nagsabi niyon.

Nagtama ang paningin nila ni Joross. Mas matinding kaba ang kanyang nararamdaman. Hindi niya agad nakilala ang binata. Mas guwapo ito kasya dati, mas maputi, mas malaks ang personalidad. Malaki na ang nagging pagbabago ng hitsura ng lalaki.

Ngumiti si Joross. Wala itong sinabing anuman sa kanya, ngunit sapat na kay Roxanne ang ngiting iyon para matiyak na hindi galit sa kanya ang lalaki.

“As well we know, kaya tayo nandito ay para ayusin na ang lahat,” panimula ng abogado nina Joross na si Atty. Abalos.

Sinang-ayunan kaagad iyon ng abogado ng pamilya ni Roxanne na si Atty. Padilla. Ngunit binasa muna nito ang isinampang kaso laban kay Joross.

~*~*~**~*~*~**~

SAMPUNG taon na ang nakalipas…..

Roxanne was 13 years old, while Joross was 14 years old.

Best of friends dila since childhood dahil magkapitbahay lang sila. Ta mag-best friend ang kanilang mga ama.

Hanggang sa maging teenagers na sila at ang closeness nila ay unti-unti nang nabigyan ng malisya.

Madalas na pinagsasabihan si Roxanne ng Kuya Niel niya tungkol kay Joross. “Nanliligaw ba sa’yo si Joross?”

“Kuya, mag-best friend lang kami ni Joross, no?” madals niyang sabihin sa kahit na kaninong nagtatanong.

“Kasi, akala ng marami, magsyota na kayo. Kasi, lagi kayong magkasama.”

“Maski ano’ng isipin nila, walan naman kaming ginagawang masama. Hindi kami guilty, no?”

“Dapat kasi, ang barkada mo na ngayon ay mga kapwa mo babae. Medyo masagwa na kasing tingnan na kayo pa rin Joross ang madalas na magkasama. Lahit nga si Dad, iniisp na baka raw nililigawan ka ni Joross.”

“Magkaibigan nga lang kami,” muling sabi niya.

Magkaibigan ang pamilya nila, subalit hinid tino-tolerate ng mga ito ang posibilidad na magkarelasyon sila sa batang edad. Maaga pa’y pinaalalahanan na sila ng mga konsekwensiya na maaring mangyari.

“Siguro, huwag ka na lang masyadong pumunta sa bahay nila. At saka huwag ka nang papasok sa kuwarto niya dahi; masagwa nang tingnan. Huwag mo na rin siyang papasukin sa kuwarto mo, kasi nagagalit na si Mommy. Kinausap ako at sinabing pagsabihan na kita.”

~*~*~*~*~*~*

UNTI_UNTI nang nalalagyan ng limitasyon ang mga pwede nilang gawin ni Joross.

Hindi na sila kasinglaya noong mga bata pa sila.

Ngunit anuman ang marinig ni Roxanne, hindi naawat ang closeness niya kay Joross. Magkasabay pa rin silang pumasok sa school at umuwi sa bahay sa araw-araw.

Second year high school na siya samantalagang third year si Joross. Sabay ang oras ng schedule nila sa school kaya’t lagi silang magkasama.

“Naiinis na ako sa bahay naming. Kinausap na nga ako ni Kuya Niel, kinausap pa ako ni Mommy. Hindi ko maintindihan kung ano’ng gusto nilang mangyari sa atin.” Nasa canteen sila noon ng school, nagme-meryenda.

“Ako nga rin, tinatanong ni Kuya Mike.” Nagsali ng soft drink si Joross sa mga baso nila.

“Ano’ng sabi mo?”

“Ano ba’ng dapat kong sabihin?” Uminom muna ito ng soft drink bago tumugon. “We’re just friends.”

Tumaas ang kilay niya, kinagat ang kanyang sandwich. “Ba’t kaya sila nag-iisp sa tin nang ganon? Samantalang noon, wala silang pakiaalam sa atin.”

Kumagat din sa sandwich nito si Joross. “Kasi teenagers na raw tayo. Marami raw ang nag-aasawa sa ganitong edad.”

Nagpigil siya ng tawa sa narinig.” Eh, di naman tayo mag-aasawa na. Hindi nga kita boyfriend,eh.”

Nagkibit balikat si Joross. “Yun din ang sinabi ko. Basta raw, dapat may mga friends din akong lalaki para di ako masyadong ma-involve sa yo. Yon ang sinasabi sa akin ni Kuya Mike.”

Sandaling hindi umimik ang binatilyo, sumersyoso ang mukha. “Ano kaya kung…ligawan kita? Ano ka’ng mangyayari?”

Hindi inaasahan ni Roxanne ang tanong na yon ni Joross/ “B-Bakit, liligawan mo ba ako?”

Bahagyang ngumiti si Joross, titig na titig sa kanya. “Tinatanong ko lang kung ano ang mangyayari sakaling gawin ko’yon,”

Hindi niya maunawaan ang biglang naramdaman ng mga sandaling iyon. Kinabahan siyang di niya mawari, tila binabayo ang kanyang dibdib. “H-Huwag mong gagawin yon. Magagalit sa atin ang parents natin.”

Lalong tumiin ang mukha ni Joross, tila sinusukatb ang magiging damdamin niya. “Eh, bakit naman sila magagalit?”

Sinikap niyang pagaanin ang pag-uusap na iyon. “Natatakot nga sila na mag-asawa tayo agad. Kaya hindi natin yon pwedeng gawin.”

“Eh, hindi naman tayo mag-aasawa,” patuloy pa rin ni Joross, hinid inihihiwalay ang mata sa kanyang mga mata.

Hindi na isya masyadong komportable sa pag-uusap na iyon. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya natutuwa. Kinikilig siyang di niya mawari sa takbo ng usapan nila ni Joross. Gusto lang niyang pagtakpan. “Eh, basta, hindi pwede! Bawal sa atin na gawin iyon!”

Hinid kumibo si Joross, nagkibit-balikat at inubos ang soft dink nito sa baso. Saka makahulugang ngumiti. “Sige, iba na lang ang liligawan ko.” Sandaling tumahimik. “Si Monique na kang kaya? Maganda at cute din naman si Monique, hindi ba?” tanong nitong tumingin pang muli sa kanya.

Natigilan si Roxanne sa sinabing iyon ni Joross. “Gu….Gusto mo si Monique?” Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.

Nagtama ang mga paningin nila, at ngiti ang itinugon ni Joross. “Hindi pa ako sigurado. At saka, di pa naman ako manliligaw. Sabi mo, mga bata pa tayo for that matter.”

Ngumiti rin si Roxanne. Bigla ay nakaramdam siya ng kasiyahan sa kalooban, nawalan ng aalalahanin na kanina lang ay kataka-takagang bumalot sa kanya. “Oo, naman no? Saka na natin isipin yan kapag dalaga na at binata ka na. Okay?”

“Okay.”

~*~*~*~*~**~*~*

LINGID kay Roxanne, unti-unti nang napupukaw ng pag-ibig ang kanyang musmus na puso.

Nahuhulog na ang damdamin niya kay Joross nang hindi niya namamalayan. Nagbbago na ang pagtingin niya rito at may iba nang kahulugan ang mga ginagawa nila sa isa’t isa maliban sa salitang “kaibigan”

Madalas na niyang inaaway si Joross kapag may iba iotng nakakasama at nagiging close maliban sa kanya.

Kagaya nang hapon na iyon, nagmamaktol siya habag naglalakad sila sa kalye at pauwi na sa bahay.

“Bakit ka ba nagagalit kung kinakausap ko si Monique? Kaibigan din naman natin siya?”

“halos isang oras na kayo lnag ang magkausap, hindi mo na ako pinapansin.”

“Eh, nagpapaturo lang naman siya sa Math.”

“Ang sabihin mo, enjoy ka lang na kayo na ang magkasama ngayon! Eh, di magsama kayo!”

“Hey! Ano ba’ng nangyayari sa’yo? Maski naman kanino, ganyan ka. Kahit kay Alvi, ayaw mong nagkakasama kami.”

“Ewan ko sa’yo! Bahala ka na sa buhay mo!”

Nag-walk out si Roxanne.

Nasasaktan na siya kapag may ibang binibigyan o pinaglalaanan si Joross ng atensiyon. Maski kaibigan lalaki o babae, nakadarama na siya ng panibugho o pagseselos.

Hanggang sa iniwasan ni Roxanne si Joross dahil sa damdaming iyon. Sinubukan niyang makipag-kaibigan at makipag-close sa ibang teenagers. Hanggang sa nakilala niya si Dave,

At dahil doon tila kay Joross naman napukaw ang isang tagong damdamin.

Hinabol siya ni Joross sa corridor. “Roxanne, sandali lang!”

Humihingal ito nang abutan siya.

At nawalan na siya nang pagkakataon na iwasan pa si Joross.

“What’s wrong with you? Bakit mo ako iniiwasan?”

“Hindi naman,ah.”

“Ano’ng hinid? Hindi na kiya inaabutan kapag sinusundo kita sa bahay nyo., lagi ka na lang nauunang pumasok sa akin. At tuwing uwian naman, si Dave na lagi ang kasabay mong umuwi.”

“Eh, magkaibgan din naman kami ni Dave.”

“Obvious na kaya kayo nagging close ni Dave, dahil sa pag-iwas mo sa akin.”

“Hindi, no? Gusto ko lnag maging fair ang nangyayari sa atin. May iba ka nang ka-close na babae, dapat may iba rin akong ka-close na lalaki.”

“Nagseselos ka, no?”

“Baka ikaw ang nagseselos kay Dave!” sigaw ni Roxanne.

“Hindi ako nagseselos!” sigaw naman ni Joross.

“Yon naman pala, ano’ng problema mo?”

“Wala akong problema. Kung gusto mong wala nang pakialaman,sige!”

“Fine, walang mawawala sa akin.”

At naghiwalay sila ng landas dahil sa damdaming hindi nila kapwa maunawaan.

Noon nagkamalat ang maganda nilang pagtitinginan at friendship.

Nagkalyao sila, at kapwa hinangad na makawala sa damdaming hindi pa nila lubos na maunawaan.

~*~*~***~~~*

NAPANSIN din ng pamilya ni Roxanne ang gap nila ni Joross. Nagdi-dinner sila nang tanungin siya ng ama tungkol ditto.

“Hindi yata pumupunta rito si Joross?” usisa ng daddy niya.

“Break na ba kayo?” panunukso ng Kuya Niel niya.

Nagdabog siya nang marinig ang pangalan ni Joross at ang panunuksong iyon. “Hindi ko naman kayo maintindihan. Kapag magkasama kami, kung anu-ano’ng iniisip nyo. Pag hindi naman kami magkasama, kung anu-ano naman ang ibinibintang n’yo!”

“O huwag mapikon. Dad is just asking.” Sabi pa ni Niel.

“Eh, sa hinid na siya nagpupunta, ano’ng magagawa ko?” saka siya nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

“Paano ba yan? Inimbita pa naman tayo ng pamilya nila this summer. Magbabakasyon tayo sa palaisdaan nila. Ibig bang sabihin, dahil magkagalit kayo ng best friend mo, magpapaiwan ka?’

“Eh, ba’t naman ako magpapaiwan?Sasama ako.”

“Maski galit kayo ni Joross?” tanong ng Kuya Niel niya.

“Wala akong pakialam sa kanya! Sa inyo naman ako sasama.”

At dahil sa kompirmasyon niyang iyon, natiyak ng kanyang pamilya na may gap nga sila ni Joross.

~*~*~*~**~*~

MASKI sa bahay nina Joross, panay rin ang usisa sa kanya tungkol sa nangyari sa kanila ni Roxanne.

“Eh, di na kasi niya ako pinapansin,” paliwanag sa kapatid na si Mike.

“Akala ko ba friends lang kayo? Ba’t kung mag-away kayo parang kayong mag-boyfriend?”tanong pa nito.

“Magkaibigan nga lang kami. Ewan ko kay Roxanne kung bakit niya ako inaaway. Wala naman akong ginagawang masama.”

“Hindi mo ba kayang I-patch up ang differences nyo since ikaw naman ang lalaki? Be gentleman enough.”

“I thought ayaw nyong sobrang close kami? Ba’t parang apektado kayo kung hinid na kami close ngayon?”

“Ayaw naman naming na magkaaway kayo, kasi nga. Family friends natin sila. Lalo na, this coming summer, magkakasama tayo sa Bicol for a vacation.”

Hindi alam ni Joross ang plano at nabigla pa siya. “W-What?”

“Paano yan? Dapat makipagbati ka na sa kanya. Nakakahiya naman na bisita natin sila pero may gap naman kayo.”

“EH, kung okay lang sa kanya na makipagbati na sa akin. Pero kapag in-snub niya ako, bahala siya sa buhay niya!”

“Sige, sasabihin ko.”

Muling natigilan si Joross. “Ano’ng sasabihin mo?

“Wala ka nang pakialam sa kanya.”

“H-Huwag!” awat niya sa kapatid.

Tumawa ng mahina si Mike; napailing ito dahil sa nagging reaksiyon niya. “Sige, sasabihin ko na magbati na kayo! Sasabihin ko rin na huwag na siyang magalit sa’iyo!”

Mhigit isang buwan na rin silang hinid nagkakausap ni Roxanne at pakiramdam ni Joross, hindi madaling I-patch up ang gap na namamagitan sa kanila.

Ngunit sa sulok ng kanyang puso, nami-miss na rin niya si Roxanne at nawi-wish niyang san’y hindi na ito galit sa kanya. Hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya maunawaan ang isang damdamin na nakalaan kay Roxanne.

Damdaming may halong tuwa’t pananabik, pero may takot at kaba.

~*~*~**~*~*~*~*~*

NAG-CONVOY ang dalawang sasakyan kung saan nakalulan ang dalawang pamilya.

Nasa van sina Roxanne dahil masa marami sila, at kotse naman ang gamit ng pamilya ni Joross.

Hanggang sa nakarating na sila sa bahay-bakasyunan ng mga ito sa Bicol, hindi pa rin sila nagpapansinan ni Joross.

Tila nakikisama naman ang kanilang pamilya dahil walang nanunukso o pumapansin sa kanila.

Sa tuwing titingnan ni Roxanne si Joross, nahuhuli niyang nakatingin ito. Ngunit iiwas kapag nagtama ang kanilang paningin.

Napapangiti si Roxanne nang lihim. May nadarama siyang kilig at haplos sa puso. Pakiwari kasi niya, ang mga panakaw na sulyap na yon ni Joross ay nangangahulugan ng care at concern.

~*~*~*~**~*

ISINAMA sila ng pamilya ni Joross sa palaisdaan ng mga ito.
May kubo roon na pinagpapapahingahan ng katiwala at bantay ng palaisdaan.

Nangisda at namangka pa ang dalawang pamilya. Sakay sila ng dalawan bangka.

Tumalon ang isang malaking tilapia at bumagsak kay Roxanne. Napatili siya nang malakas dahil sa takot. Na sinundan din ng malakas na tawanan ng lahat.

Muli siyang napasulyap kay Joross na nasa kabilang bangka. At nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

Ginantihan niya ito ng ngiti. AT tila senyales iyon ng peace offering.

Sumigaw si Joross/ “Huwag mong pakawalan ang tilapia! Ihawin natin!”

Tumawa siya nang mahina, tawang nagpapahiwatig ng pag sang-ayon. Nasa bangka pa ang tilapia at walang takot na hinawakan ni Roxanne ang isdang pumapasag-pasag.

Sinagot niya ang sinabi ni Joross. “Buhay pa ang tilapia!”

Malakas na tawanan.

At natapos ang di nila pagkakaunawaan nila ni Joross.

~*~*~**~*~*~**~

NAG-IIHAS sina Roxanne at Joross ng malalaking tilapia habang ang kanilang pamilya ay nagkakasiyahan sa loob ng kubo.

“Akala ko, galit ka pa sa akin,”sabi ni Joross.

“Ikaw nga riyan, ang yabang mo sa akin. Man lang ako pinapansin sa school.”

“Eh, kasi nga, ang suplada mo na lately. Kapag nagkakasalubong tayo sa corridor, nakataas kaagad ang kilay mo. Nakasimanto ka kaagad. Galit ka kaagad,”

“Ang dami naman ng sinabi mo.”

Tumawa si Joross. “Kaya hindi na rin kita pinapansin, baka mapahiya lang ako.”

“Eh, ikaw nga riyan, ang yabang mo kapag magkasama kayo ni Monique.”

“Akala mo ba, hindi ako nasasaktan kapag nakikita kong magkasama kayo ni Dave?”

“Magkaibigan lang kami, no?”

“Eh-, magkaibigan lang din naman kami ni Monique, no?”

“Sabi mo sa akin noon, gusto mo siyang ligawan?”

“Hindi ko naman ginawa. Na-realize ko na hindi ko pala yon kayang gawin.”

“Kung hindi pa ako tinalunan ng tilapia, hindi ka pa mamansin!”

“Utang na-loob pala natin sa tilapia ang pagbabati natin, no? tapos inihaw lang natin siya,” nakangiti pang wika ni Joross.

“Luto na yan, masusunog na yung laman,” pansin pa ni Roxanne.

May sawsawan na ginawa si Joross, toyo at kalamansi na nilagyan ng maraming sili. “Timan muna natin bago natin ihain.”

Nagreact si Roxanne sa ginawang sawsawan ni Joross. “Grabe! Ang anghang niyan!” nakatawang sabi niya.

“kasing-anghang yan ng puso ko!” pagbibiro pa ni Joross. Kumurot ito ng laman ng tilapia at isinasaw iyon, saka isinubo sa kanya.

Napatili na naman siya ng malakas, kasunod niyon ay malakas na tawa ni Joross.

Kinurot niya sa braso si Joross, at ang kurot na iyon ay tila kuryenteng gumapang sa kaibuturan ng puso niya.

“I love you,” biglang nasabi ni Joross sa kanya.

Natigilan si Roxanne dahil sa narinig. Nagtama ang paningin nilang dalawa.

At hindi na magawang magsinungaling ng kanyang mata.