Fan Fiction |
by ako_ay_ako
Isang malakas na sampal ang tinanggap ni Roxanne samantalang isang malakas na suntok ang tinanggap ni Joross mula sa ama.
Saka pa lamang nila nalaman na matagal na pala silang hinahanap at labis na nag-aalala na sa kanila ang mga ito.
“Ano’ng ginawa sa’yo ng lalaking ito?” galit na galit na tanong ng kanyang daddy.
“D-Dad..”
“Nasaan ang damit na suot mo kanina nang umalis ka?”
Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Sa sobrang takot ay napahagulhol na lamang siya nang malakas.
Samantalang si Joross naman ang hinarap ng ama nito.
“Saan kayo nagpunta? Saan kayo galling?”
At mas nagawa ni Joross na magpaliwanag kesa sa kanya. “S-sa kubo lang, Dad.”
“Ano’ng ginawa nyo sa kubo?”
“W-Wala ho…”
Pinitsirahan ni Mr. Guinoo si Joorss. “Tarantado ka! Huwag ko lang mapapatunayan na may ginawa ka sa anak ko! Mabubulok ka sa bilangguan!” Saka nito malakas na ibinalibag si Joross sa sahig.
Nag-react ang ama ni Joorss sa ginawang iyon ni Mr Guinoo. “Huwag mong saktan ang anak ko sa harapan ko! Hindi ko yan kinukunsinti kaya hayaan mong ako ang magparusa sa kanya!”
“Hoy, Renato! Baka nakakalimutan mo na babae ang anak ko! Ako ang naagrabyado rito!” Galit na hinarap ng kanyang ama ang daddy ni Joross.
“Walang naagrabyado rito, Bernardo! Parehong nawala ang dalawa at sabay silang bumalik! Hindi pa natin alam ang totoong nangyari!”
“Kaya nga huwag na huwag ko lang mapapatunayan na may ginawa ang anak mo sa anak ko! Papatayin ko ang anak mo, Renato!”pagbabanta ni Mr. Guinoo.
Nagtiim-bagang ang ama ni Joross, halatang nagtimpi ito. At ang galit kay Joross ibinunton. Sinaktan nito ang anak sa harapn mismo ng pamilya ni Roxanne.
Nasaksiahan niyang lahat iyon subalit hinid niya magawang ipagtanggol ang binatilyo.
Musmos pa ang mga puso nila, wala pang kakayahang ipagtanggol anuman ang nararamdaman nila ni Joross para sa isa’t isa.
~*~*~*~*~*~*
DAHIL sa pangyayaring iyon, nagkalamat ang relasyon ng dalawang pamilya.
Dahil nang gabi ring iyon ay walang paalamn na lumulan ng sasakyan ang pamilyang Guinoo para umuwi sa tahanan ng nga ito sa Quezon City.
~*~*~*~*~*~*~
HINDI akalain ni Roxanne nagagawin ng daddy nya na ipa-check up siya sa family doctor nila sa clinic nito.
“Confidential ito, Doctor. Kahihiyan ng pamilya ko ang nakataya ditto. Pero sa oras na mapatunayan ko na napakialaman ang anak ko, mabubulok sa bilangguan ang lalaking iyon,” narinig niyang sabi ng daddy niya kay Dr. Diaz.
Iyak siya ng iyal habang ginagawa ng babaing doctor ang examinen sa kanyang pagkababae. Napapikit siya nang mariin at panay ang agos ng luha niya sa pisngi.
Alam niyang matutuklasan na ng pamilya ang nagging kapusukan nila ni Joross. At natatakot siya.
~*~*~**~*~*~*~
HANGGANG sa kotse ay hindi nagsasalita ang daddy niya; galit na galit ang mukha nito sa natuklasan.
Napatunayang may gumalaw na sa kanyang pagkababae.
Umiiyak ang kanyang ina na nasa harapan ng sasakyan, katabi ng kanyang ama, nakasubsub sa palad ang mukha.
Nasa likuran siya at katabi na si Neil. Wala rin itong kibo, galit at pormal din ang mukha nito.
~*~*~**~*~*~*~
SA BAHAY, pakiramdam ni Roxanne ay nagging preso na siya sa loob ng kanyang kuwarto.
Hindi na siya pwedeng lumabas ng bahay anumang oras niya gusto. Hinid na rin niya nakikita si Joross/
Hindi na niya alam kung ano ang nangyari kay Joross. Alalang-alala siya sa binatilyo.
~*~*~*~*~*~*~*~
HANGGANG sa isang araw ay dumating sa bahay nila ang kanilang abogado, si Atty, Padilla.
“Magsasampa tayo ng kaso laban kay Joross,” sano sa kanya ng ama habang kaharap ang abogado.
Ipinaliwanag sa kanya ng atty. Ang kasong isasampa laban kay Joross at ang gagawing processing sa kaso.
Hindi siya makapaniwalang idedemanda ng kanyang pamilya si Joross. At ang kaso…..rape.
Binigyan siya ng instructions kung ano ang mga dapat sabihin na magdiin na may kasalanan si Joross.
“Mahirap ang gagawing interroation sa’yo, iha. Kailangang firm ang mga sasabihin mo para hindi makuwestiyon ang credibility mo. Huwag kang matatakot at malilito, ako ang bahala sa’yo, hinid kita pababayaan.”
Buo na sa paniniwala ng ama na pinagsamantalahan siya ni Joross. Hindi naman siya magawang ipagtanggol ang binatilyo dahil sa takot sa ama.
Hindi nawang aminin ni Roxanne na mahal niya si Joross at kapwa nila kagustuhan ang nangyari.
~*~*~*~**~*~*~
SINAMPAHAN ng ng kaso si joross.
Magaling din ang abogado ni Joross. Dahil underage ay nagawa nitong palabasin at itinuring iyon bilang juvenile delinquency. Ngunit pansamantala pa rin siyang nakakulong habang nakasampa ang kaso.
Nilalakad din nito na sa pagsapit niya ng edad na 18 ay saka pa lamang muling bubuksan ang kaso.
~*~*~*~*~*~*~
ALAM ni Joorss na napakalaki ng galit ng pamilya sa kanya dahil sa kahihyang naidulot niya.
Pinagtiisan niya ang lahat ng hirap. Hindi siya dumaing o nagreklamo dahil ayaw niyang palakihin ang sama ng loob at sakit na naidulot niya sa pamilya.
Madalas naman siyang dalawin ng mga magulang at kapatid. Kasama ang abogado nila na si Atty. Abalos.
“I want you to be honest with me, young man. And this time, paniniwalaan ko ang anumang sabihin mo. Ako ang magtatanggol sa’yo sa korte kaya kailangang tiyak at may basehan ang mga ipagtatapat mo sa amin.”
Maski paulit-ulit na siyang nagsalita at nagpaliwanag, alam ni Joross na hindi niya lubusang nakukumbinsi ang abogado. “Hindi ko ni-rape si Roxanne, Attorney. Pareho naming kagustuhan ang nangyari sa amin.”
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga ang abogado. “Pero idinidiin ka niya. Siya mismo ang nagsasabi na ni-rape mo siya. Kung may relasyon kayo, bakit kaya niya gagawin iyon?”
Umiling siya. “H-hindi ko alam. Hindi ko alam.”
Nagkatinginan ang abogado at ang ama ni Joross. “Posibleng utos na rin iyon ng pamilya ni Roxanne, Attorney.” Sabi naman ng daddy ni Joross.
Marahang tumango ang abogado. “iyon ang kailangang patunayan natin para mapawalang-sala si Joross.”
Nasasaktan si Joross sa katotohanang si Roxanne ang nagsasabing ni-rape niya ito. Mahal na mahal niya ang dalagita.
Subalit ano ang kanyang magagawa kung hinid siya nagawang ipaglaban ni Roxanne?
Sa pulit-ulit at tiyak niyang statement sa kanyang abogado, pinaniwalaan na rin nito na wala siyang kasalanan.
Nangako ang ama na gagawin ang lahat para mailabas siya sa kulungan na iyon.
~*~*~*~*~*~*~
KAHIT muling ipinagkaloob kay Roxanne ang kalayaan, madalas na rin niyang ikulong ang sarili sa kwarto.
Isang araw ay pumasok sa loob ng knayang kwarto ang kapatid na panganay. Nakahiga siya sa kamat at animo’y may sakit. Umupo ito sa gilid ng kama.
“Ayaw mo raw sumama sa panonood ng sine…”
“Kayo na lang, Kuya Niel.”
“Hindi mo naman kailangang parusahan ang sarili mo. Bakit kailangang pati ikaw ay magkulong?”
Hindi siya nakasagot.
“May kasalanan ka rin ba sa nangyari at kailangan mo ring magdusa kagaya ni Joross?”
Gusto niyang umiyak at magtapat ng katotohanan sa kapatid, subalit hindi nawawala ang takot sa kanyang dibdib.
“Ano ba ang totoong nangyari sis?”
Hindi siya makapagsalita.
“Narinig ko na alng kasi na sinampahan na ng kaso si Joross. Iyon ba talaga ang totoong nangyari?” tanong pa nito.
“Alam mo,” patuloy nito, “nalulungkot ako sa nangyari sa friendship natin sa kanila. Pati nga friendship naming ni Mike, naapektuahn. Hindi na kami nagpapansinan sa hangout ng barkada. Napansin na rin nga yon ng mga barkada naming. Pareho na lang kaming nagde-deny.”
Nakikinig lang siya sa sinasasabi ng kapatid. Maski paano, may kakampi siya sa sandaling iyon.
“Pero wala naman tayong magagawa sa gusting gawin ni Dad. Sabi niya, siya raw ang ang nakakalaman ng makakabuti para sa atin,” Masuyong ginagap ng kapatid niya ang kanyang palad. “Malalagpasan mo rin ang lahat ng yan, sis. Believe me, matatapos din ang lahat.”
Pakisabi niyon ay tumayo na ito at lumabas na sa kanyang silid.
Naiwan si Roxanne sa loob ng kanyang kwarto na parang wala pa rin sa sarili. Hindi niya alam kung paano palalayain ang sarili pagkatapos niyang magsinungaling para sundin ang kagustuhan ng pamilya.
Hindi niya magawang ipagtapat ang katotohanan dahil sa takot sa ama kahit labis na naaawa sya kay Joross.
Walang kasalanan si Joross para makulong at magdusa. Dahil kapwa nila kagustuhan ang namagitan sa kanila.
Subalit sa musmos niyang puso at isip, hindi niya magawang ipaglaban ang katotohanang iyon.
Paglabas ng kapatid niya ay bumangon siya at isinara ang pitno. Saka humarap sa tokador at may kinuha sa drawer niyon.
Isinulat na lamang niya ang lahat sa kanyang diary.
Sa diary sya nagging matapat.
~*~*~**~*~*~*
ANIM na buwan nang makapapiyansa si Joross at nailabas ito ng kanyang abogado mula sa bilangguan.
Bumagsak ang katawan niya. Nagihirap siya nang husto sa bilangguan. Sa bahay, maayos ang pagtanggap sa kanya ng mga magulang at kapatid.
Ngunit malaki na ang ipinagbago nya sa ugali at kilos; parang hindi na siya ang dating Joross na masayahin, masigla at active. Ayaw na iyang mag-arap dahil nagkaroon na siya ng inferiority complex.
Madalas ay nagkukulong na lamang siya sa kuwarto.
Lagi lang siyang nakasilip sa binata na animo’y lagging may tinatanaw. Si Roxanne.
Dahil mahal pa rin niya si Roxanne sa kabila ng lahat.
~*~*~*~*~*~**~
ANG PAMILYA Guinoo ang labis na naapektuhan sa paglayang iyon ni Joross.
Lalo na ang ama ni Roxanne dahil hindi nito matanggap na nabigyan ng pagkakataong makapagpiyansa si Joross gayong mabigat ang kasong isinampa laban kay Joross.
Hindi alam ng pamilya ni Roxanne, lihim siyang nakikinig sa usapan ng mga ito.
“Napiyansahan si Joross ng knayang abogado dahil minor age pa. Lalo’t di pa naman napapatunayan sa korte na nagkasala siya. Magaling ang kanyang abogado. Pinalabas na may relasyon sina Joross at Roxanne at hindi rape ang nangyari. May mga kaibigan si Joross na tumestigo na may relasyon ang dalawa. Pinalalabas pa nila na tinatakot at pine-pressure natin si Roxanne para sabihing ni-rape siya, Kinonsidera yon ng huwes na may hawak ng kasyo kaya pinayagang makapagpiyansa si Joross. For that matter, wala tayong magagawa kundi hintaying mag-18 si Joross saka muling bubuksan ang kaos.”
Iyon ang narinig niyang paliwanag ni Atty. Padilla sa kanyang pamilya.
Lihim na natuwa si Roxanne nang malamang nakalaya na si Joross. Tanging siya lamang ang nakakaalam ng damdaming iyon.
At ang kanyang mute witness…ang kanyang diary.
~*~*~*~*~*~*~
MASKI dalawin ng mga kaibigan si Joross, nanatili siyang matamlay sa pakikitungo sa mga ito.
“Pare, huwag mi na munang isipin ang nangyari sa inyo ni Roxanne. Apat na taon pa para buksan ang kaso mo. Malay mo, sa loob ng mga taong iyon, aminin na ni Roxanne ang totoo na may relasyon kayo at hindi mo siya ni-rape,” sabi sa kanya ng kaibigang si Lester, isa sa mga witness.
“bakit ka tumestigo na may relasyon kami ni Roxanne? Wala ka naming alalm, hindi ba?” Nagawa niyang itanong sa kaibigan habang nasa silid sila at nagkukunwentuhan.
“Naawa kasi ako sa’yo, pare. At saka hinid ako naniniwala na magagawa o yon, kay Roxanne. Mga bata tayo, magkaibigan na tayo. Alam kong mag-bestfriend jayo.” Umupo ito sa kama niya at bahagyang lumubog ang kutson niyon.
Tumango-tango siyang tumingin ditto, hinihintay ang iba nitong sasabihin.
“At saka kahit hindi nyo sinasabi sa amin, alma ng buong barkada na mag-boyfriend kayo, sige pa ni Lester. “Alam din naming for a while na nag-cool off kayo nong na-involve ka kay Monique at siya naman ay na-involve kay Dave,”
Nailing si Joross, hindi maiwasang makadama ng paghihinakit. “Hindi ko naman talaga magagawa yon sa kanya.”
“kaya nga, we’re on your side.” Tinapik nito ang kanyang balikat a pinalalakas ang loob niya. “kaya nga kaming mga friends mo, suportado ka namain all the way, kahit saan makarating. Kaya cheer up, pare! Back to normal na, tayu-tayo ulit, sumama ka ulit sa mga gimik naming.”
Kahit paano’y gumanda ang pakiramdam niya sa narinig.
“Next time na lang, Lester. Kapag maayos na ang lahat.”
“Okay, ikaw ang bahala. Basta kapag kailangan mo kami, alam mo kung saan ang hangout ng barkada.”
“Salamat.”
“Sige, tuloy na ako. Basta twag-tawagan mo lang ako. Gusto ko sanang I-test drive natin iung bago kong kotse sa tagaytay. Alam na alam ko naming hot na hot ka rin sa manibela,eh”
“Okay,” aniyang hinid rin maiwasan ang mapangiti.
~*~*~**~*~**~
NAHINTO siya sa pag-aaral dahil sa nangyari.
Napag-iwanan na siya ng mga ka-batch at kaibigan sa school. At alam ni Joross, hindi lahat ay kapareho ni Lester na niniwalang wala siyang kasalanan.
Malalim ang nalikhang sugat sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari sa kanila ni Roxanne. Kasabay ito ng tuluyang pagkakahiwalay nila ng babaeng pinakamamahal.
Ngunit tiniyak ni Joross sa sarili, anuman ang mangyari sa kanila ni Roxanne, ito lamang ang kang mamahalin.