Fan Fiction

♥Ikaw Lang Ang Mamahalin♥{CoMpLeTeD}

by ako_ay_ako

Chapter 6

The Past and The PRESENT

Hindi rin nagging madali kay Roxanne na ibalik sa normal ang lahat.

Naeskandalo ang kanyang pamilya at sobra ang kahihiyang idinulot niya sa mga ito. Hindi nagging lihim sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ang kasong isinampa kay Joross.

Iba’t ibang suggestion ang kanyang narinig, pero ang desisyon pa rin ng daddy niya ang nasunod. Itutuloy ang demanding isinampa kay Joross.

Mahal niya si Joross, at ang nakataya na sa labanan ng kanyang pamilya at pamilya nito ay ang kanyang puso. Nasasaktan si Roxanne sa katotohanang wala siyang kakayahang ipaglaban si Joross at ang pag-ibig nila.

Sa edad na 13, lito at balisa ang knayang isip kung kaya sinusunod na lamang niya ang dikta ng pamilya.

~*~*~*~*~*~
PUMASOK sa kanyang silid ang kanyang ina. At sa unang pagkakataon ay kinausap siya nito na walang bakas ng pagdaramdam sa mukha.

“Kumusta ka na?”

Noon lang sa pagkakataong iyon ipinadama ng mommy niya na may kakampi siya at may inang handang umunawa sa kanyang kalagayan.

Hinaplos nito ang kanyang buhok.

“I-I’m sorry, Mom,” nagawa niyang sabihin, sabay pag-agos ng luha sa pisngi.

“S-Sorry saan?”

“S-Sa nangyari, sa lahat ng nangyari, dahil binigyan ko kayo ni Dad ng malaking kahihiyan at problema.”

“W-Wala ka namang kasalanan…hindi mo naman kagustuhan ang nangyari.”

Umangat ang luhaan at marikot niyang mukha. Minsan pa, natakot na naman siyang maging honest. Natakot siyang aminin ang katotohanan na ang musmos niyang puso ay umiibig na.

“Hindi kami galit sa’yo ng daddy mo. Hindi galit sa’yo ang mga kapatid mo. Ikaw ang iniisip ng lahat, ang kinabukasan mo. Alam naming kung gaano kasakit sa’yo ang nangyari.”

Napahikbi si Roxanne. Takot, guilt, awa sa sarili, at pag-ibig ang damdamin niya sa kayang puso. “M-Mom,” Yumakap siya sa ina.

“Everything will be alright, iha. Lilipas din ang lahat ng problema at ang sakit na nararamdama mo.”

Lilipas din pa pari ang pag-ibig? Ang damdaming labis na nagpapahirap at nagpapaluha sa kanyang puso.?

~*~*~*~*~**~*

LINGID kay Joross, awing-awa na sa knaya ang pamilya dahil sa nagging kalagayan ng buhay niya.

Pumasok sa loob ng knayang kwarto ang daddy niya. “How are you?”

“Sabi ng Kuya Mike mo, ayaw mo raw sumama sa party na pupuntahan niya.”

Joross sighed. “Wala naman akong gagawin do’n. At saka baka Makita pa ako ni Kuya Niel. Ayokong magkita-kita kami at this point.”

“Sabi mo, wala kang kasalanan?”tanong ng daddy niya sa kanya.

Umangat ang mukha niya.

“Then be brave enough para harapin silang lahat. Sooner or later, mappatunayan mo rin na wala kang kasalanan. Huwag kang matakot na harapin sila. The truth will set you free.”

Napayuko si Joross.

“Hindi madaling gawin ang sinasabi nyo, Dad. Maski wala akong kasalanan, nagi-guilty pa rin ako sa nangyari.”

“Bakit ka magi-guilty?”

“K-Kasalanan ko rin ang lahat. Kung hindi ko yon ginawa, wala sanang nangyari sa amin ni Roxanne. Sana, magkasama pa rin kami, sana kaibigan pa rin natin ang pamilya nila.”

“In that case, wala na tayong magagawa. Nasa huli ang pagsisisi at ang realization ng mga pagkakamali. Ang importante ay kung paano natin itatama ang lahat.”

“P-Paano, Dad?”

“May agreement akong io-offer sa kanila, iho. Yun ay kung papayag ka at kung papayag sila.”

“What agreement, Dad?”

“Ipakasal kayong dalawa ni Roxanne. Kung anuman ang namagitan sa inyo, dapat lang napanagutan mo siya.”

Nakaramdam ng kasiyahan ng loob si Joross sa pasya ng ama. “R-Really, Dad?”

“Kung totoong may relasyon kayo ni Roxanne, bakit naman niya tatanggihan ang alok mong pakasalan siya. Right, iho?”

Bagama’t may pag-aalinlangan, umasa si Joross na magiging positive ang sinabing iyon ng ama. Nagbaka-sakali siyang ipaglalaban na siya ni Roxanne sa puntong iyon.

“S-Sana pumayag siya, Dad.”

“Ibig sabihin ay sang-ayon ka?”

“Yes, Dad.”

Tinapik ng ama ang kanyang balikat. “I’ll do my best para ayusin ang lahat, Joross. Para ayusin ang buhay nyo ni Roxanne.”

“Thanks, Dad.”

Ngumiti lang ang ama.

Wala na ang daddy niya ngunit damang-dama pa rin ni Joross ang labis na kaligayahan. Kung mangyayaring ipapakasal na lamang sila ni Roxanne, isang katuparan ang magaganap.

Ang mapakasalan niya ang babaeng pinakamamahal.

~*~*~*~**~*~

HINDI akalain ni Roxanne na pupunta sa bahay nila ang mga magulang ni Joross.

Ihaharap siya ng daddy’t mommy niya sa mga ito.

“usto ko lang tiyakin sa anak ko kung totoo ang mga sinasabi mo, Renato. Kapag nanggaling mismo sa anak ko ang kompirmasyon na may relasyon sila ni Joross, saka lamang ako papayag sa gusto mong mangyari,” narinig niyang sabi ng kanyang ama sa ama ni Joross.

Saka siya hinarap ng daddy niya. “Totoo bang kusang-loob kang sumama at kapwa nyo kagustuhan ni Joross ang lahat ng nangyari?”

Natigilan sia, hindi niya alam kung ano’ng dapat sabihin. Sa puntong iyon, walang sinabi sa kanya ang daddy niya kung ano ang dapat niyang isagot.

“Iha, kung sakali, handa kang pakasalan at panagutan ni Joross pagsapit nyo sa tamang edad. Sana, pumayag ka na iurong na ang demanda laban sa kanya,” pakiusap sa kanya ng ama ni Joross.

Natatakot pa rin siyang maging matapat dahil baka hindi iyon magustong mangyari ng ama.

“Iha, nakikiusap ako. Alang-alang na alng sa kinabukasan nyo ni Joross..”

“T-Tito…si Daddy ho ang kausapin nyo. Hindi ko ho alam kung ang desisyon niya.”

Pero ang ama kaagad ang nakapagpasya ng lahat.

“Renato, hindi sinasabi sa akin ng anak ko maski na minsan na may relasyon sila ni Joross. Hindi niya sinabing kusang-loob ang pagsama niya at kagustuhan din niya nang nangyari. Kaya ituutloy ko ang demanda laban sa anak mo.”

“Nakikiusap ako, Bernardo.”

Ngunit parang walang narinig ang ama niya. Tumayo na ito at inustusan siya. “Bumalik ka na sa kuwarto mo, Roxanne.”

Kaagad siyang tumugon sa utos ng ama. Sa loob ng kanyang silid, nanatiling nakapinid ang katotohanan sa kanyang isip.

Kinuha ni Roxanne ang diary.

At minsan pa siyang nagging matapat sa sarili sa pamamagitan ng diary na iyon.

~*~*~*~*~**~*~

TUMANGGI ang pamilya ni Roxanne sa alok na ipakasal na lamang sila pagsapit ng tamang edad.

Labis na nanlulumo si Joross nang malaman iyon.

“Don’t worry, iho, kahit hindi sila pumayag na panagutan mo ang nangyari, hindi ka makukulong.”

Umangat ang mukha ni Joross.

“Aprubado na ang petisyon natin sa Canada ng Auntie Mercy mo. Pupunta tayo sa Canada, Joross. Doon na tayo titira at doon ka na mag-aaral. Gagmitin ko ang lahat ng impluwensiya at pera ko para itakas ka.”

“D-Dad..”

“Hindi ako papayag na makulong ka. Hindi ako papayag na masira ang kinabukasan mo.”

“P-Pero..”

“Napag-usapan na naming ni Attorney Abalos na siya na ang bahalang mag-ayos ng visa at passport mo. Walang nakakaalam na approve ang petition natin. Hindi sila makakagawa ng move para-I-hold ang pag-alis mo ng Pilipinas. Magiging lihim ang lahat,iho.”

At sia ang ang ibig sabihin ng lahat ng narinig niya sa ama…aalis siya ng Pilipinas para tumakas.

“Ikaw na ang ang nagsabing wala kang kasalanan. Ginawa ko na ang lahat para pakiusapan sila, pero hindi nila tayo pinagbigyan. Hindi ako papayag na magdusa ka at masira nang tuluyan ang kinabukasan mo.”

Nakaramdam si Joross ng pagtutol ng kalooban, subalit nasa kanya na rin ang takot na baka tuluyang masira ang kinabukasan niya kapag hinsi sita sumunod sa kagustuhan ng ama.

~*~**~*~*~*~

ILANG panahon ang lumipas.

Walang kamalay-malay ang pamilya ni Roxanne na wala na sa bansa ang pamilya ni Joross. Huli na nang matuklasan ng mga ito na ang bahay nina Joross at pinarerentahan na sa isang kamag-anak.

Matinding galit ang nararamdaman ng mga magulang ni Roxanne nang nabalitaan nilang nasa ibang bansa na si Joross at ang pamilya nito.

“Hindi sila makakatakas nang tuluyan! Hahabulin sila ng konsiyensiya nila! Babalik at babalim sila sa Pilipinas. At sa pagbabalik ni Joross, titiyakin kong mabubulok siya sa bilangguan!” sumpa ng ama ni Roxanne.

Samantalang lingid sa mga magulang ni Roxanne, iyak siya ng iyak sa loob ng knayng silid.

Tuluyan na pala siyang iniwan ni Joross.
(END OF THE PAST)
~*~*~*~*~**~

AT NGAYON, pagkaraan ng sampung taon, nagbalik-bayan na nga ang pamilya ni Joross. Makalipas ang ilang buwan ay ang binata naman ang muling bumalik sa Pilipinas.

Ngunit hindi na hinangad ng ama ni Roxanne na mabilanggo ito. Binago ng takbo ng panahon ang damdamin ng pamilya Guinoo.

~*~*~**~*~**~

“IUURONG na ng mga Guinoo ang demanda laban sa’yo, Joross. Wala naman silang hinihinging kapalit o anumang bayad o danyos perhuwisyo. May gusto lang itanong si Mr Guinoo sa’yo kung bakit gusto niyang magkaharap-harap kayo.”

Nakikinig lang si Joross, hinihintay ang itatanong ng ama ni Roxanne.
“Gusto ko lang maging matapat ka, Joorss. Sa pagkakataong ito, paniniwalaan ko ang isasagot mo.”

Maski si Roxanne, hindi niya alam kung ano’ng itatanong ng ama kay Joross.

“Mahal mo pa ba ang anak ko sa kabila ng lahat?”

Natigilan si Joross, hindi nito akalain na iyon ang itatanong ni Mr. Guinoo.

Kahit si Roxanne ay hindi makapaniwala.

“Hindi mo kailangang sagutin kung ayaw mong sagutin. Pero gusto kong malaman mo, anumang-oras na gusto mong pakasalan ang anak ko, I’ll agree.”

“Well, I think ditto na natin wawakasan ang anumang problemang kinasangkutan natin before,”sabi naman ng ama ni Joross.

“Of course! Kaya nga kung gusto ng mga bata na ngayon sila magpakasal,walang tututol,” nakangiti pang sabi ni Mr. Guinoo.

“Pero sila na ang bahalang magdesisyon ngayon. Alam naman natin na committed na si Roxanne sa kanyang boyfriend.”

“Nasa kanila ngayon ang desisyon, Renato,” pagsang-ayon ng kanyang ama.

Nagkamay ang dalawang ama, nagyakapan ang kanilang mga ina at iglap ay naibalik ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya na nagkalamat sa loob ng sampung taon.

Nilapitan siya ni Joross. “R-Roxanne…”

Muling nagharap sina Roxanne at Joross.

“S-Salamat..”pagkuwa’y inilahad ni Joross ang palad sa kanya.

Tinanggap niya ang palad ng binata, at damang-dama niya ang paggapang ng matinding init ng paplad nito hanggang sa kaibituran ng kanyang puso.