♥Ikaw Lang Ang Mamahalin♥{CoMpLeTeD}
by ako_ay_ako
Chapter 7
Sariwang Pag-Ibig
Magkasama sina Roxanne at Joross sa terrace nang gabing iyon.
Non lang niya nagawang humingi ng tawad kay Joross dahil sa mga nangyari sa kanila.
"Ako nga ang dapat magsabi non' sa'yo, nagulo ko ang buhay mo dahil sa kapusukan ko," tugon naman ni Joross sa kanya.
"Pareho naman nating kagustuhan ang nangyari."
Nagtama ang paningin nila; at natawa nang mahina si Roxanne dahil sa kanyang nasabi.
"Hindi ko nga lang naamin sa pamilya ko na pareho nating kagustuhan ang nangyari."
Noon ipiniliwanag ni Roxanne ang sarili kay Joross.
"Wala akong ibang dahilan kaya hindi ko nagawang sabihin ang totoo kundi ang takot. Natakot ako dahil alam kong kasusuklaman ako ng pamilya ko sakaling nalaman nila ang totoo. Imagine, I was only 13 years old then. Kapag itinakwil nila ako saan ako pupunta? Wala pa akong kayang gawin sa buhay ko noon."
Mapait na ngiti ang binigiya ni Joross. "I understand, Roxanne. Kung hindi ko sana yon ginawa sa'yo, hinid sana nangyari ang lahat ng kaguluhan sa buhay natin."
"K-Kahit nasaktan ako noong nangibang bansa ka na, i know namang that was the only way para magkaroon na tayo ng katahimikan. Masyado rin akong nagi-guilty sa pagdidiin ko sa'yo, lalo na siguro kung nakulong ka."
"Noon, gusto kong ma-guilty sa ginawang pagtakas ng pamilya ko.Ayokong gawin yon, pero kagaya mo rin ako, wala akong magawa sa desisyon ng parents ko."
"On the other hand, nakabuti para sa lahat ang ginawa mong paglayo."
Joross just nod. "Siguro, sa paglipas ng panahon, nawala ang galit ng pamilya mo sa akin."
"Oo nga. Hindi ko rin akalaian ang pagbabago ni Dad."
"You mean, wala kang kinalaman sa mga naging desisyon niya?"
"W-Wala."
"You mean, until now, hindi mo pa rin inaamin sa kanila ang totoo?"
"Lahat ng sinabi ni Dad, desisyon niya iyon. At wala akong alam sa desisyon niya."
Labis na nagtaka si Joross.
"Tungkol nga pala sa sinabi ng daddy mo..."
"Tungkol sa kasal?"paglilinaw ni Roxanne.
Marahang tumango si Joross.
"Huwag mong sasabihing aalukin mo ako ng kasal?"
Tumawa ng mahina si Joross. Nawalan ito ng lakas ng loob na ipagpatulyo ang sasabihin.
"Huwag mong iisipin na kailangang mangyari ang sinabi ni Dad. Hindi na tayo mga bata na kailangang diktahan sa mga gusto nating gawin sa buhay."
joross just sighed.
"Ikaw na ang nagsabi na malaki na ang ipinagbago ng panahon, Joros. Hinri na tayo ang mga dating musmos. Alam na natin ang gusto natin ngayon sa ating buhya."
"May kasalanan din ako sa nangyari, may dapat pa rin akong pagbayaran sayo."
"Wala kang utang sa akin, Joross. As I've dais, kapwa natin yon kagustuhan. At ayokokong pakasalan lang ako ng isang lalaki dahil lang sa pananagutan."
"R-Roxanne.."May gustong sabihin sa kanya si Joross, subalit natigilan ito. Sa halip ay nagpakawala na lamang ito ng malalim na buntonghininga. "Malkai na nga ang ipinagbago mo, Roxanne.,"
"People change, times change. Everything changes, Joross."
Muling nagtama ang paningin nila.
At may gustong sabihin ang mga titig na yon ni Joross sa kanya.
'Nagbago nga ang lahat, ngunit hindi ang pag-ibig ko sa'yo, Roxanne,'sabi ni Joross sa isip niya.
Subalit hindi nagawang sabihin ni Joross ang laman ng puso't isip.
At hindi rin naman niya iyon lubusang naunawaan. "A-Ang mahalaga, natanggap na ng pamilya ntin ang lahat ng nangyari at naibalik na ang dating friendship."
"Pwede pa ba tayong maging magkaibigan, Roxanne?"
Ngumiti si Roxanne. "bakit naman hindi?"
Muling nagtama ang mga paningin nila, at halatang kapwa pa rin sila may feeling para sa isa't isa;ngunit kapwa rin nila ikinubli.
~*~*~**~*~*~
DUMATING si Keith nang gabing iyon.
Inabutan nito ang eksenang magkasama sila ni Joross sa terrace.
"Roxanne!"
"K-Keith.."
Nawalan ng kahandaan si Roxanne. galit ang mukha ni Keith, at na-rattle siya sa mga pwede nitong gawin.
Kaagad niyang kinalma si Joross para huwag magkagulo dahil bisita pa nila nang mga oras na iyon ang pamilya ni Joross na nang mga sandaling iyon ay nasa salas.
"Honey, si Joross. "Kaagad niyang nilambing kay Keith.
.halatang nasaktan si Joross sa gesture na yon ni Roxanne.
"Joross, I want you to meet my fiance, si Keith Vertido."
Kaswal na tinanggap naman ni Joross ang pagpapakilala ni Roxanne.
"I'm really sorry, Joross. Pero may usapan kasi kami ni Keith na lalabas kami ngayong gabi," Pinagtakpan na lamang ni Roxanne ang presence ni Keith gayong wala naman silnag usapan na darating ito nang gabing iyon.
"Yeah, sure." Nauunawaan ni Joross na kailangan nila ni Keith ng privacy. "I'll go ahead now. For sure, magyayaya na rin sina Daddy na umuwi."
"Good night, Joross."
"Goodnight, Roxanne. And thank you so much."
Ngiti na lang ang itinugon ni Roxanne sa pasasalamat na iyon ni Joross sa kanya.
~*~**~*~*~*~
TULUYAN nang nagpaalam ang pamilya ni Joross sa pagkaraan ng ilnag sandali.
At batid ni Roxanne, isang malaking away ang haharapin niya kay Keith nang gabing iyon.
~*~*~**~*~*~**~
MARAMING gustong sabihin ni Joross kay Roxanne habang nag-uusap sila.
Gusto niyang sabihin na walang nagbago sa kanyang nararamdaman at handa siyang pakasalan ito na pag-ibig ang dahilan.
"Kaya naman pala hinid na rin niya gustong pakasalan siya, totong committed na siya."
Ipinagtapat niya ang lahat kay Kuya Mike niya habnag nag-iinuman sila sa salas ng bahay nila.
"bakit hindi mo sinabi sa kanya na you still love her? Nasa iyo na ang lahat ng pagkakataon, Joross."
"I think it's too late. As I've said, committed na siya sa iba, ayoko nang guluhin pa ang buhay niya."
Umiling si Mike, hinid ito kumbisado sa nagong kapasyahan niya na mahimik na lang. "Pero, it's better na nag-try ka."
"I think she's happy right now, ayoko na talagang guluhin pa ang buhay niya."
"So what's your plan now?"
"Magbabakasyon lang ako sandali rito sa Pilipinas, then back to Canada for good. Ngayong tiyak ko na nawala na akong Roxanne na babalikan, magahahanap na ako ng panibagong pag-ibig."
Nagpakawala ng buntonghininga si Mike. "Ang tagal mong naghintay na makablik ng Pilipinas at makitang muli si Roxanne. Then all of a sudden, wala ka na palang babalikan."
Nagkibit-balikat na lamang si Joross. "That's life, that's love."
Ininum niya ang lamang alak sa kopita at gumapang ang mainit at matapang na likido sa kanyang lalamunan. Nalasahan niya ang pait ng alak. At higit pa sa mapait na lasa ng alak ang nararamdamang pait sa kanyang puso.
Dahil totoo palang wala nang magiging katuparan ang pag-ibig nila ni Roxanne noon.
~*~**~*~**~*~*
HINDI akalain ni Roxanne na dadalawin siya ni Keith nang gabing iyon.
Pero ibang Keith ang nasa harapan niya. Hindi nangyari ang away na inaasahan niya. Mahinahon si Keith bagama't dama niyang may galit ito sa dibdib.
"Guwapo pala si Joross, at wala sa hitsura niya ang manre-rape. Maraming babae ang kusang loob na magpapaubaya sa kanya."
Naramdaman niya ang matinding insecurities ni Keith.
"I just wonder kung totoong ni-rape ka niya."
Nawalan naman si Roxanne ng kahandaan dahil sa deretsahang komprontasyon sa knaya ng nobyo.
"Hindi kaya may relasyon kayo ni JOross noon?"
Nagduda na rin si Keith sa knayang credibility. Maski sa nobyo ay wala siyang ipinagtapat kung kaya't hindi nito alam ang totoo. Ang version lamang ng kaso ang alam nito.
"Nakapagtataka kasi na bigla na lamang siyang patatawarin ng pmailya mo sa kabila ng akusasyong ni-rape ka ni Joross."
"Naayos na ang lahat, Keith. For the sake of friendship. Don't you understand that?"
"Yeah, I really don't understand it. Imposibleng magiging magkaibigan pa kayo ng lalaking lumapastangan sa'yo!"
"Fogert about it, Keith. Huwag mo na lang bigyan ng kahulugan ang mga nangyari."
"As simple as that."
"As simple as that." Nagpakawala si Roxanne ng malalim na buntonghininga. "Everything is over, and I want peace. Ngayon ko lnag ito nararamdaman ulit sa loob ng mahabng panahon."
Nagtiim-bagang si Keith.
"Gusto ko nang magpahinga,"sabi na lamang niya.
~*~*~**~*~*~*~
HINDI makatulog si Roxanne nang gabing iyon.
Iniisip niya si Joross buong magdamag, ang kanilang nakaraan. Dama niyang umiibig pa rin siya kay Joross, subalit may nararamdaman siyang takot sa dibdib. Sariwa pa sa kanyang puso ang lahat ng alaala.....
Pati ang sugat na idinulot ng musmos nilang pag-ibig.
Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras na kailangan na maghiwalay
Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka, muling mahahagkan?
Napabalikwas nang bangon si Roxanne. Alam niya ang awit na iyon; at pamilyar sa kanyang pandinig ang boses na umaawit.
Magkulang man sa atin ang sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli...
Sumilip siya sa bintana. At mula rooon ay natanawan niya si Joross. Nasa terrace ito, may hawak na gitara at umaawit.
"J-Joross.." Ngunit maski si Roxanne, hindi niya narinig ang sariling tinig sa pagbukang iyon ng kanyang bibig at sa pagtawag sa pangalan nito.
Hanggang may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin...
~*~**~*~*~*~*~
SAMANTALA, hindi rin makatulog nang gabing iyon si Joross.
At dinaan na lamang niya sa pag-awit ang lahat ng kalungkutan.
Tapos na ang awit ngunit panay pa rin ang kalabit niya sa kuwerdas ng gitara.
~*~**~*~**~*~
UMAGSO ang luha sa pisngi ni Roxanne na halos hindi na niya namamalayan. Parang namanhid ang kanyang buong katawan.
SAriwa pa ang halik na nakapagmanhid sa kanyang kamalayan sampung taon na ang nakalipas.
Sariwa pa ang isang pag-ibig...