Fan Fiction |
by ako_ay_ako
Nangunot ang noo ni Joross.
"But it doesn't matter. Hindi naman importante kung ano ang alam niya. Wala naman yong kinalaman sa relasyon namin ngayon. I have to go,yon lang naman ang ipinunta ko," paalam ni Roxanne kay Joross.
"Hey,aalis ka na?"
"May pasok pa ako sa opisina."
"Ihahatid na kita."
"Huwag na, magta-taxi na lang ako."
Inihatid na lamang siya ni Joross hanggang sa labas ng bahay at sinamahan pa siya nitong mag-abang ng taxi.
"What about dinner tonight?"
Natigilan siya sa imbitasyon na iyon ni Joross.
"Kung hindi ka lang busy for old times' sake. nabitin ang kuwentuhan natin noong Saturday ng gabi."
Ngumiti siya.
"Susunduin kita sa bahay nyo, seven sharp."
Eksaktong may dumating na taxi at kinawayan iyon ni Roxanne.
"Roxanne..." Naghihintay pa rin ng sagot niya si joross.
Sumakay muna sa taxi si Roxanne saka binuksan ang bintana ng sasakyan. "Okay, seven sharp."
Umandar palayo ang taxi at naiwan si Joross na napakasaya ng damdamin.
Napangiti naman si Roxanne, nadama niya ang kaligayahan sa kanyang puso na kay tagal niyang inasam na magbalik.
~*~*~*~*~**~*~*~*
NAG-DINNER sina Roxanne at Joross nang gabong iyon sa isang restaurant at kapwa sila naging masaya nang gabing iyon. Kapwa nila iniiwasan na pag-usapan ang pangit na nakaraan.
"Basta ang hindi ko makakalimutan, ung tinalunan ako ng tilapia! Grabe! Sobra ang takto ko no'n!"
"Kaya nga ang lakas ng tili mo! Parang kung saang parte ng katawan mo na pumasok ang pumapasag na tilapia!"
Sabay pa silang nagtawanan nang malakas. Tila kahapon lamang naganap ang isang masayang alaala.
"Ang sarap mag-reminisce ng nakaraan, lalo na yung masasayang memories," nakatawa pa ring sika ni Roxanne.
"Mas masarap kung babalikin ang lahat ng iyon, at mangyayaring lahat iyon," tugon naman ni Joross.
natigilan si Roxanne.
"I have an idea."
"What?"
"Gusto ko sana, bago ako bumalik sa Canada, magbakasyon sa Pampanga, sa palaisdaan namin. You want to go with me?"
Muling natigilan si Roxanne. Hindi ang pagpunta sa Bicol ang rumehistro sa kanyang isip kundi ang pagbabalik ni Joross sa Canada.
"You mean to say, babalik ka pa sa Canada?"
"Yeah, nandoon ang trabaho ko."
"I thought you're back for good," malungkot na sabi ni Roxanne.
"How I wish na mangyari yon. But I have no reason to stay here."
"B-Bakit?"
"Sooner or later magpapakasal ka na..."
Untin-unting nagbago ang mood ng pag-uusap nila, nawala ang sigla ng mga boses nila.
"Ano pa'ng gagawin ko rito?"
"Joross?" nagtaka siya sa statemnt na yon ni Joross. bakit ang pagpapakasal niya ang sinabi nitong dahilan?
"Don't get me wrong, Roxanne. What I mean is, ikaw na lang ang kaibigan ko. At kapag nagpakasal ka na, for sure ay mawawalan ka na ng time for me. I have nothing to do here. Sa Canada, kahit paano ay marami na akong mga kaibigan doon. Marami akong pwedeng gawin doon, aside from the fact na nandoon ang trabaho ko."
"How about your family?"
"Hindi ko pa alam ang plan nila. But I;m sure, babalik din sila sa Canada once na malaman nilang doon na ako maninirahan nang tuluyan."
Nawalan na ng sasabihin si Roxanne dahil nakadama siya ng matinding kalungkutan. Isang kalungkutan na una niyang naramdaman sa unang pagkakataong lumisan si Joross.
"This weekend na ang plano kong magbakasyon sa Bicol. WOuld you like to come with me?"
Umangat ang mukha ni Roxanne. Sakay siya nagpakawala ng mapait na ngiti. "No thanks, Joross."
"Okay..."
At gumanti ng kapwa ngiting mapait si Joross.
~*~**~*~*~**~*~
HANGGANG sa nakauwi si Roxanne sa bahay nang gabing iyon.
Eksaktong nasa salas siya nang mag-ring ang phone.
Kaagad sinagot ni Roxanne ang phone dahil sa pag-asang si Joross ang nasa kabilang linya at hindi pa tapos ang gabing iyon sa kanila. Umaasa syang baka sakaling may pagbabago sa plano nito.
Ngunit si Keith ang nasa kabilang linya at galit na galit ito sa kanya.
"Saan ka galing? Kanina pa ako tawag nang tawag dyan, pero wala ka man lang ipinagbilin kung saan ka nagpunta?"
"S-Sorry. Birthday ng isa sa mga kasamahan ko sa opisina, biglaan ang birthday treat niya sa amin. Nag-dinner lang kami."
"Anong oras na? Uwi pa ba yan ng matinong babae? Kaya ka nare-rape dahil sa ugali mong yan!"
"How dare you say that, Keith!"
"Totoo naman, hindi ba? May boyfriend kang tao, pero inaabot ka ng gabi sa kalye! Hindi ka na nahiya! Hindi mo na iniingatan ang reputasyon mo bilang babae! At least just for me, Roxanne!"
Si Roxanne ang hindi handang makipag-away sa nobyo. Ibinagsak niya nang malakas ang telepono, saka siya napahagulhol nang malakas.
Ang sakit sakit ng feelings niya mula pa kaninang malaman niyang aalis na naman si Joross, at lalo pang sinaktanni Keith ang kanyang damdamin dahil naman sa masasakit na salitang sinabi nito.
~*~**~*~**~*~
NASA harapan ni Roxanne si Keith nang umagang iyon sa loob ng opisina niya.
"What are you doing here?" pagtataka nya.
"I want to talk to you."
"ALam mong bawala ka na rito, hindi ka na sana nagpunta pa."
"I don't care. Let's go out."
"Hindi ak pwedeng umalis, marami akong trabaho."
Pero mapilit si Keith. "Magwawala ako kapag hindi ka sumama sa akin."
"Keith, ano ba?"
"I swear, Roxanne, magwawala ako."
PInagtitinginan na sila ng mga officemates niya. Nilapitan na sila ni Marco, isa sa mga kaibigan niya sa opisina.
"Bakit, pare? Ano bang problema?"
"Huwag knag makialam dito!"
"okay, tama na." Kaagad niyang hinarap si Keith. Pagkatapos ay kinausap niya si Marco ng mahinahon. "Marco, I'm sorry. AKo na ang bahala sa kanya."
Sumama siya kay Keith para matapos na ang kaguluhang iyon. Wala siyang kamalay-malay sa plano ni Keith sa gusto nitong mangyari.