Fan Fiction |
by ako_ay_ako
Hindi siya makapaniwala sa susunod na magaganap. Pinupwersa ni Keith na may mangrari sa kanila sa salas na iyon.
Na-trap siya sa bitag na ginawa ni Keith sa kanya! Nanlaban si Roxanne sa gustong mangyari ni Keith na maangkin siya nang puwersahan. At doon niya naramdaman ang pandadahas ng lalaki sa kanyang kahinaan.
Malaki ang pagkakaiba sa nangyari sa kanila noon ni JOross na kusang loob ang kanyang pagpapaubaya.
"Huwag! Parang awa mo na, Keith!"
Umiyak siya at nagmamakaawa sa lalaki; subalit nanaig ang lakas nito.Walang kabuluhan ang lakas at panlalaban niya sa determinasyon ni Keith na tila wala na sa katinuan nang mga sandalin iyon.
"Magiging akin ka Roxanne! Kung nagawa ng Joross na yon, mas magagawa ko dahil may karapatan ako! Dahil hindi ako pumapayag na hiwalayan mo ako! Hindi! Naiintindihan mo?"
"K-Keith!" iyak niya. Nakahandusay na siya sa sahig habang gumagapang ang mga halik nito sa kanyang leeg. Pigil-pigil nito ang dalawa niyang kamay. "Parang awa mo na, Keith!" hagulhol niya.
"Keith, stop it!" malakas na sigaw ng isang lalaki.
Natigilan si Keith; kilala nito ang boses na iyon. At sumunod na pangyaya ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha nito.
Sumadsad si keith, sapo ang suguang ilong. Hindi ito makapaniwala sa nakita.
"D-Dad!"
"Nakakahiya ka!" Humihingal sa matinding galit ang matandang lalaki.
Hindi inaasahan ni Keith ang biglang pagdating ng mga magulang kung kaya't natapos ang kapusukan nito.
NIyakap si Roxanne ng ina ni Keith.
"What the hell are you doing? Ganyan ka na ba kadesperado sa buhay mo?" patuloy ng ama ni Keith.
Hindi sumagot si Keith sa mga tanong na iyon, ng ama, nag-walkout ito at pumunta sa kotse. Narinig na lamang nila ang mabilis na pagsibad ng sasakyan nito.
"I'm really sorry,iha." Niyakap siyang muli ng ina ni Keith, at hinaplos ang kanyang likod bilang pang-aalo sa kanya.
~*~**~*~**~*~*~*~
INIHATID si Roxanne ng mga magulang ni Keith hanggang sa makauwi siya sa bahay.
At sa loob ng kanyang silid, iyak ng iyak ang dalaga dahil hindi niya akalain na hahantong sa gano;ng sitwasyon ang relasyon nila ni Keith.
At sa nangyari sa kanila ni Keith,nalagyan na ng tuldok ang kanilang relasyon.
~*~**~**~*~*~**~
DUMALAW si Joross sa bahay nila nang gabing iyon para magpaalam.
"Magbabakasyon na ako sa Bicol, then I'm going back to Canada. Hindi na ako dadaan dito, that's why nagpapaalam na ako."
Walang kamalay-malay si Joross sa mga nangyari sa kanya, sa kanila ni Keith.
Malungkot at marahan siyang tumango.
"Thanks for everything, Roxanne."
Umangat ang mukha ni Roxanne. "Salamat saan?"
"At least, magkakaroon na rin ako ng kapayapaan. Hindi ko na iisipin ang tinakasan kong problema sa Pilipinas sa pagbabalik ko sa Canada."
"Salamat din sa lahat, Joross."
Hindi na niya nilinaw kay Joross ang ibig sabihin ng pasasalamat na iyon. Na dahil sa pagbabalik nito nagawa niyang palayain ang sarili kay Keith.
"Good luck, Roxanne."
Masuyo siyang hinagkan ni Joross bilang pamamaalam.
NGUNIT kahit wala na si Joross, damang-dama pa rin ni Roxanne ang init ng labi nito na dumampi sa kanyang pisngi.
Kasing init ng kanyang nag-aalab na puso.
~*~*~**~**~*~*~**
JOROSS side:
MAHIGIT isang linggo nang nagbabakasyon sa Bicol si Joross.
Nasa palaisdaan siya at sa kubo nakatira. Tanging ang katiwalang si Mang Nato ang kasama at ang nag-aasikaso sa kanya.
Gusto muna ni Joross na balikan ang isang alaala ng kamusmusan bago siya tuluyang umalis ng Pilipinas.
Magkasama silang namamangka ni Mang Nato at nagpapakain ng feeds sa mga isda.
"Matagal ka na ring katiwala ni Daddy sa palaisdaan na ito," aniya sa matanda.
"HIgit sampung taon na. Pag-aari pa ito ng lolo mo noon, hanggang sa ang daddy mo na ang namahala."
"Hindi ka na mag-aasawa? Masaya ka na ba sa buhay mo ngayon Mang Nato?"
"Oo, wala na kasi akong agustuhang iba mula nang mamaay ang asawa ko. Yung mga anak ko naman, may kani-kanya nang pamilya; at ayoko namang iasa ang pagtanda ko sa kanila."
"Hindi ka nalulungkot sa pag-iisa mo?"
"Yang kalungkutan, depende yan sa damdamin ng tao. Maski nag-iisa ka, kung panatag at tahimik ang yong kalooban, nadarama mo ang kaligayahan at kakontentuhan sa buhay."
Naiisip ni JOross kung bakit hindi siya makadama ng kaligayan sa buhay sa kabila ng maraming tagumpay na nakamit niya. Hindi siya kontento sa buhay.
"Hindi ka na ba nagmahal ulit, Mang Nato?"
"Sa maniwala ka o sa hindi, isang babae lang ang minahal ko, ang asawa ko lang na si Lumen. At magpahanggang ngayon, hindi ko makita ang sarili ko na magmahal ng iba."
"Posible pala talagang mangyari sa isang tao na isa lang ang minahal niya sa buong buhay niya?"
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Pareho kasi tao ng kapalaran, Mang Nato. Isang babae lang ang minahal ko hanggang sa mga oras na ito."
"Ying kababata mong si Roxanne?"
Marahan siyang tumango.
Alam ni Mang Nato ang lahat ng nangyari sa kanila ni Roxanne.
"Siya pa rin ba ang gusto mo hanggang ngayon?"
Hindi niya sinagot ang tanong ni Mang Nato. "Iniisip ko lang kung ani ang magiging buhay ko sa Canada sa pagbabalik ko. Iniisip ko kung magiging maligaya ako sa pag-iisa ko roon."
Nakinig lang ang mantandang lalaki sa lahat ng kanyang mga sinabi.
"Pero siguro naman, makakatagpo rin ako ng bagong pag-ibig."
"Yan din ang sinabi ko noong mamatay si Lumen..na makakatagpo rin ako ng bagong pag-ibig. Pero ang madalas na nangyayari sa buhay ng isang tao ay ang mga hindi inaasahan. Hindi na ako natuto pang umibig sa iba, sa halip ay nakotento na lamang ako sa buhay na nag-iisa at sa pag-aalaga ng isda."
~*~*~*~**~*~*
HINDI na inaasahan ni Joross ang pagkikita nilang muli ni Roxanne.
BIgla na lamang itong tumambad sa harapan niya nang hapong iyon.
"Hi, Joross," bati pa nito.
"R-Roxanne..."
Huling-huli nito sa mukha ni Joross ang matinding pagkagulat.
"Galing ako sa bahay n'yp sa bayan, dito ka nga raw nag-stay."
"Sinamahan ko na pinsan, baka maligaw pagpunta rito," sabi ng pinsan niyang lalaki.
"What are you doing here?" nakangiting tanong niya sa dalaga.
"Oo naman! I'm really glad you're here."
"DOn't worry, alam ni Dad kung saan ako nagpunta dahil nagpaalam ako. Hindi ka niya kakasuhan sa puntong ito."
Noon napatunayan ni Joross na totoo ang mga sinabi ni Mang Nato, maraming nangyayari sa buhay ng tao na hindi inaasahan.
"M-Mang Nati, manghuli ka ng tilapia, ipag-ihaw mo si Roxanne."
"Bakit si Mang Nato pa ang inuutusan mo? Tayo na lang dalawa ang mamingwit. Nami-miss ko na ang mamangka."
Nakangiti si Mang Nato kay Joross, ngiting nanunukso. "Sige na, mamingwit na kayo at ako na ang magsasaing at nang makakain na rin tayo."
Kaagad tumugon si Joross at sumakay sila ni Roxanne sa bangka. Muli nilang pinagsaluhan ang isang matamis na sandali.
~*~**~*~*~*~*~**
"WHAT happened? Bakit ka sumunod dito?" tanong sa kanya ni Joross.
Hindi sinagot ni Roxanne ang tanong ng binata, abala siya sa pamimingwit.
"HOw about, keith? Alam ba niya?"
"HIndi naman niya kailangang malaman pa."
Nagtaka si JOross. "Why?"
"We're through," simpleng tugon ni Roxanne.
"You mean..."
"Ayoko na siyang pag-usapan pa, Joross."
Nagtama ang paningin nila; at tila napaso si Roxanne sa mga titig na yon ni Joross. Iniwasan niya ang tingin nito at tumayo na siya sa bangka.
Subalit may tumalong tilapia at bumagsak sa kanyang harapan. Napatili siya nang malakas at gumewang ang bangka. At tuluyang nawalan ng balanse si Roxanne kaya't nahulog siya sa tubig.
"Roxanne!" malakas na sigaw ni Joross.
Mabilis na kumilos ang binata, kaagad itong tumalon sa tubig upnag iahon siya.
"Kahit kelan, gustong-gusto mong naliligo rito,"sabi pa sa kanya ni JOross.
Tumawa ng malakas si Roxanne at yumakap na lamang siya nang mahigpit dito.