Fan Fiction

Shooting Star

by cutterpillow

Chapter 9

Allyn

Chapter 9: Allyn.
****

"OH, ALLIE!" Sabay tulak saken. As usual, tumatawa pa din siya. Aray ha! Umupo siya dun sa chair malapit sa food stall.
"Bumili ka na ng ticket naten!"

"ANOOO?!" Nanlake ung mata ko, at super naka tingin kami sa isa’t isa. At super lapit din ng mukha ko sa kanya... well, naka upo kasi siya, ako nakatayo. "Bakit ako bibili ng ticket, ikaw nga may gustong manuod neto."

"Eh, ako bibili ng food naten... O sige, ikaw na lang, ikaw na mag buhat."

"Ha~ joke lang. Eto na po sir, bibili na po ako ng ticket."

"Bilisan mo inday. Ayoko ng pinag hihintay ako!" Aba, at naka taas pa ung isang kilay saken. Inirapan ko nga, sabay talikod "Aba, wag mo kong tinitignan ng ganyan, baka hindi kita pag sweldohin!"

Nanlaki na naman ung mata ko. Sino ba naman hindi manlalaki ung mata, sinigaw ba naman niya yon. Halos lahat ng tao napa tingin saken. Baka isipin nila, katulong niya talaga ako.

Lumingon ulit ako sabay glare sa kanya, at grit ng teeth. Yari ka sakin, mamaya Nicolo, kala mo jan.
___________________

Ang boring naman nito. Si wall-E naiwan mag isa sa planet earth. Walang friends, kundi ung ipis. While I was sipping on my drink, napapa tingin ako kay Nicolo.

Tama nga si Ate Joyce, may itsura siya.

"Baka malusaw naman ako Allyn? Super naka titig ka saken. Ganon ba ako ka gwapo?"

Biglang akong na choke. Sabay ubo ng malakas. Natawa siya, yung mga katabi namin super na ba-badtrip at sini-shh kami.
"Grabe ka kasi kumain ng pop corn, pati cheeks mo may cheese."

Humarap siya sakin, mejo nakikita namin ung isat isa, kasi maliwanag ung screen. "SO-RRY HA!" Sabi niya, habang tumatalsik ung pop corn na galing sa bibig niya, sa mukha ko.

"EWWWWW!!!!!!" Pinunsan ko agad ung mukha ko. Sa sobrang inis ko, kinurot ko siya sa braso niya. "ANDREI ANG BABOY MO!"

"Araaaaaay! Allyn, ang saket!!!!"

"SHHHHH~!!!!"

Tumawa si Nicolo sabay punas sa braso.

"PENGE NGA AKO NG POP CORN KO!" Sabi ko na mejo pasigaw habang kinukuha ko ng madahas sa kanya ung box ng pop corn at softdrinks.

"Pop corn mo?" Tanong niya, sabay pout at hug ng pop corn palayo sakin. "Akin kaya to! ako bumili nito eh! Lumabas ka, at bumili ka ng sayo."

"Ang sama mo naman!" Ina abot ko ung pop corn. "Akin na nga yan!"

Ayun nakuha ko nga. "be-be-bleh." Sabi ko sa kanya sabay dila.
___________________

Hindi ko na mabilang kung ilan beses kong narinig si Nicolo na pinag tawanan ako. Sumisinghot pa din ako. Tapos kitang kita at rinig na rinig talaga niya na humihikbi ako.

"Eto oh." Sabi niya sabay abot ng panyo niya. Pinunas ko naman sa mata ko. Ang bango!!! SHOOOT! etong amoy ng lalaki ung gustong gusto ko eh, ung GAS ng oxygen. Haaay~ Kahit pangit ang lalaki, basta eto ung pabango, panalo na sa puso ko!

Natawa naman siya, habang nag lalakad kami palabas ng sinehan. Hindi ko napansin, mag gagabi na pala. "Ano ba... Nicolo naman eh... tawa ka ng tawa eh... mukha ba akong clown?"

"Nakakatawa ka kasi eh, hindi ko ine expect na iiyak ka sa Wall-E."

"NAKAKA IYAK KAYA!" Tinitignan ko siya ng masama, pero naka ngiti pa din ako. Huminto kami mag lakad, naka tayo ulit kami dun sa pinag meetingan namin kanina. Kinuha niya ung panyo sa kamay ko sabay lapit sakin.

Tapos...

Tapos... pinunasan niya ung mukha ko. Na fe-feel ko, super bilis ng tibok ng puso ko. Ki-na-ka-ba-han ata ako. "Wag ka ng umiyak Allyn, ang panget mo eh."

Natawa ako, tapos kinurot ko ung kamay niya. "Ang panget mo din pala pag tumatawa."

Pinipigilan kong tumawa, naka kunot na ung noo ko. "Ang yabang mo Nicolo..."

Lumapit siya sakin, sabay akbay. Tapos patawid kami. Tatambay dun sa sea side. "Joke lang... 'To naman... pinapatawa lang kita eh. Ang lungkot lungkot mo kasi kanina. Parang badtrip ka, bakit ano bang nangyari?"

"Na badtrip lang kasi ako kanina... Hindi pumunta sila Jm at..."

"Ah kaya pala. Haha. Inindian ka pala ni JM... Tsk." Umiling siya pero naka smile pa din. Nako! Napaka mapang asar.

"Sige ulitin mo pa... tsaka hindi lang naman si JM ang ina asahan ko nu, pati si Hannah at Christian din, sabi group date daw. Anu kaya un? Anong lalagay ko dun sa essay ko, 'inindyan po ako nung ka date ko'?"

Tumawa na naman siya, "Ilalagay ko dun sakin, 'we were watching this movie, then Allyn Nicole Hernandez, my date suddenly sniffed, when I glance at her, I saw her in tears as Wall-E---"

"Ang sama mo!! Pati ba naman un ilalagay mo?!"

"Oo, nakaka tawa eh."

"Bakit ganyan ka Nicolo? Ina away mo ko."

"Eto talaga ang other side ko. Kaya masanay ka na."

"Ah~ okay. Kung sabagay, lahat naman ng tao, may other side, ung sayo sumobra nga lang." Naka smile ako, tapos tinitignan ko siya.

Super pigil mode ulit.

I was waiting for his answer, na di-depensahan niya yung sarili niya, naging seryoso ung mukha niya. "Do you like JM?"

I swallowed hard. Wala naman mawawala kung aamin ako diba? "Hindi ko siya like, crush ko lang siya, bakit?"

He shrugged and look away, "wala lang... eh, may girlfriend na si JM ah?"

"I know... Kaya nga hindi siya pumunta eh, nag mu-muryot si girlfriend." He nodded. But he was looking at the sea. Nga pala, sea ba to? O bay? "ui, secret lang natin un ah... Don’t worry, alam ko naman na wala akong pag asa dun eh, so, starting this day, classmate hanggang friends na lang talaga tingin ko sa kanya, besides, napatunayan ko na din naman eh."

"Na ano?"

"Na wala lang ako. Hanggang classmate level lang kami."

"Oh... You've got a point there... wag ka mag alala, marami jan."

"Marami talaga... Halika na nga, alis na tayo dito, nag ha-heart to heart talk tayo eh... Ayoko nun"

"Alright. Pero, hindi ka pa uuwi?"

"Hindi pa, bakit? Ikaw ba? Baka hinahanap ka na din ng girlfriend mo?"

"Hindi ko nga alam kung anu na ang status namin ngayon eh."

"Naku, masama yan." Eh? Bakit ko sinabi un? Para naman akong sira ulo. "Halika na nga, baka maiyak ka pa jan."

"Where do we go next?"

"Timezone… para Masaya."
___________________

Habang naka pila si Nicolo sa counter, tinitignan ko siya. Then I realized, he wasn’t that bad after all. I mean boyfriend material talaga siya. Mabait, mayaman, matalino, nakaka tawa, parang ang sarap sarap niyang kasama, may itsura din naman siya, kaya pala, type siya ni ate Joyce.

Sana, magkaroon din ako ng boyfriend na ganyan.

"Allyn..." Tumakbo siya palapit sakin, tumayo na ako. "Eto na ung coins mo... San tayo maglalaro?"

"Marunong ka ba mag drive?"

"Hindi eh, ikaw ba?"

"Hindi din." I smiled and held him by his wrist, then hinila ko siya papunta dun sa station ng mga race car.

"Hanep to, hindi nga tayo parehong marunong mag drive, tapos dito mo pa gusto mag laro?"

"Syempre, ganun talaga. Para matuto tayo." Umupo ako dun sa other side, then I insert one token. Lumingon ako, tinitignan ko siya. "Ui Nicolo, wag ka nang KJ jan, upo ka na dito." I patted the chair beside me, sabay tawa. Nag smile lang siya sakin tapos umupo din. Then he did the same.

"Gusto ko ng Ferrari"

"Akin BMW."
___________________

"HAHAHHA!!!! ALLYN, ANG BAGAL MO!!!"

"Che! Bakit ba! Ngayon ka lang na una sakin no! Pang 10th round na natin to, lahat un napanalunan ko, tapos ikaw, na una ka lang skin, tuwang tuwa ka na."

"Mananalo na ako eh... AYAN NA!!!!" Super apak naman ako sa gas pedal. At hawak sa sterring wheel, kulang na lang, naka dikit na ung mukha ko sa LCD. ENK! GAME OVER! "Sabi sayo Allyn, matatalo ka sakin ngayon eh."

"Sige, ikaw na winner."

"Yung pustahan naten, wag kang madaya. Sabi mo manglilibre ka ng starbucks, pag nanalo ako sa 10th round."

"Oo, paulit ulit to." Inirapan ko siya sabay tawa. Tinignan ko ung cellphone ko, 7 na pala. Hindi ko man lang napansin.

"Allie, laro tayo nun."

Napalingon ako. "Alin?"

"Yung air hockey ba un?"

"Ahh~ sige." Tumayo kami, tapos siya hawak hawak pa din niya ung flowers niya. Natawa ako, sabay cover ng mouth.

"Bakit?"

"Wala, mukha ka kasing pang Ms Universe eh, kulang na lang crown at sash."

"Inggit ka na naman sa beauty ko?" Sabi niya sabay flip ng hair. Ay, ang landi?

"Ang haba ng hair mo."

"I know right."

"Bwiset."

I smirked sabay punta dun sa other side, I held the white mallet, tapos, I did the first serve. Aba, akalain mo un, na shoot agad?

---

After another round, as usual, ang bida niyo ang nakaka score, "Ano ba yan Nico, lumaban ka naman! Bantayan mo naman yang base mo!"

"Ano ka ba Allyn, ang bida nag papatalo sa una."

"Ganon? Eh kahit naman anung gawin, natatalo ka pa din eh."

"Tignan mo to ah." His eyes squinted. Tapos nag serve siya, sa sobrang reklamador ko, hindi ko napansin, pumasok pala. At nagka score siya na, sad to say, one point lang. "Kita mo."

"Oo na."
___________________

"Anung meron dito?" Tanong niya, tapos pumasok kami sa loob ng booth.

"Ahh~ photo booth na sticker... Gusto ko to!!"

"Gusto mo pa picture tayo?"

"Sige! Sige!"

---

Super post kami, ang cu-cute. Meron dun ung naka dila kami, naka batman, naka peace (feeling korean), naka pout, naka bloated ung cheeks, meron dun ung super close ng face namin, cheeks to cheeks, naka grin, naka smile at iba iba. Kaso 2 lang pwedeng i-print.

"Nico, anung gusto mo?"

"Yan." Tinuro niya ung super close kami. Hindi ko alam kung anu ung na fe-feel ko, but all I know is, ang sweet niya. Ang dami dami naman picture, pero un pa ung pinili niya. Ang ayos ng mukha namin dun pareho, infairness. "Gusto ko yan, para kasing ang close close natin eh... tsaka ang cute mo jan."

Napa tingin ako sa gilid, sabay pikit ng mata at pursed ng lips. Sana... sana... hindi niya mahalata na kinikilig ako!!! Add to the fact, na naka patong pa ung chin niya sa right shoulder ko. Amoy na amoy ko siya. AT SUPER CLOSE NG MUKHA NIYA SAKEN! ISANG WRONG MOVE LANG, MA KI-KISS KO TO!! "...pero syempre, mas cute ako sayo."

"AYUUUN! kaya pala, yan ang gusto mo ha."

"Syempre, oh ikaw anung gusto mo jan?"

"Gusto ko ung, batman. Haha. ang cute eh."

"Oo nag eh, i print mo na! Excited na ako!"

"Opo boss! Yan ka na naman!"

"Heh~"
___________________

"Ayan... tapos na siya." Sabi ko, tapos si Nicolo, tuwang tuwa, para ngayon lang naka kita ng ganito, super titig. "Ano ba yan Nico, ngayon ka lang ba nakapag ganito?"

"Oo. sa kasamaang palad, first time ko, ikaw pa ung ksama ko."

"ANG SAMA MOOOOO!!! Ka asar to... pasalamat ka, hindi ako asar talo."

"Ay, hindi ka pa pala, na aasar ng ganon?"

"Oo. Pag galit ako sayo, hindi kita kakausapin nu."

"Kulang pa pala ung ginagawa kong pang aasar, kainis naman." Naka tingin siya sakin, like he was waiting for my reaction.

"Sor---" Biglang nag vibrate ung phone ko. I plucked it out on my pocket. I swallowed hard, patay, si daddy. "Nico, wait lang."

---

Lumayo ako ng onti sa kanya. Then sinagot ko ung call ni daddy.

"Allyn, where you at?"

"Dad, I'm still here at MOA. Why?"

"Anong why? I'm going to fetch you right now."

"Kala ko po si Kuya Bing mag su-sundo sakin?"

"Hindi, kami na lang ng mommy mo. Umuwi na si Bing."

"Alright. Saan na po ba kayo?"

"Mega... papunta na ng MOA.

"Okay po. Text niyo na lang po ako kung nasan na kayo. Ingat po. Bye."

---

"Tumawag si daddy."

"Oh. What did he say?"

"He's going to fetch me na daw."

"Okay... Don’t worry, tapos na ung picture. Ginupit ko na din." Binigay niya sakin ung other half.

"Wow. Kusang loob."

"Excited na nga ako eh." Tapos, he started to scrap out ung picture. Tapos kinuha niya ung wallet niya, tinitignan ko lang siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Ilalagay ko sa ID ko."

"ID? Bakit dun?"

"Gusto ko eh, walang pakielamanan."

"Okay payn. Para kang high school"

"Ikaw, saan mo ilalagay?"

"Sa essay, alam ko kasi kailangan din ng picture eh."

"Oo nga pala, wait." then he plucked his phone from his pocket din. "Picture tayo."

I smiled at the camera. Tapos, tinignan namin agad. Parang ang perfect ng emotion. Hindi super happy, hindi din mukhang sad. Nag react siya, pero ang hina, parang bulong lang, "parang tayo."

"Tayo nga, for one day." tapos tinignan niya ako, mejo gulat. Nanlaki din ung mata ko, bakit ko sinabi un? Baliw na ba ako. Lutang, OO. "...para dyan sa date na yan, yang essay na yan. Diba?"

"Oo... para sa essay..."

Then neither of us spoke, pero kinuha niya ung ID ko sa bag ko. Naka sukbit kasi ung bag ko sa leeg niya. Ano ko siya eh... Date slash PA.

"Ui, anung gingawa mo jan?"

"Ilalagay ko din sa ID mo. Para pareho tayo."

"Okay." Tumabi ako sa kanya, tapos sinuksok ko ung left hand ko sa pocket niya.

"Woi, ALLYN, ano ba yan?"

"Basta." Kinuha ko ung cellphone niya, tapos nilagyan ko ng sticker ung likod ng cellphone niya. "Yan!~ Para cute, para makikita mo ung mukha ko pag gagamitin mo ung cellphone mo."

"Akin na nga yang cellphone mo!" Sabi niya, parang galit? Napa lunok ako. Tumalikod siya sakin, naku! Baka may pinag gagawa yan sa cellphone ko. Binalik na niya sakin, parang padabog pa. "yan na ung cellphone mong bulok!" Tinalikod ko, kita ko, nilagyan din niya ng sticker, natuwa naman ako.

"Halika na, Andrei, punta na tayo starbs."

---

Buti na lang nag dala ako ng extra money, kundi, baka hindi ko malibre tong mokong na to. Kakatapos lang namin mag order, tapos siya ung nasa harap ko. Pagkakuha ko ng pera sa wallet ko, nakita ko nag abot na siya ng pera dun sa cashier.

"Ui, kala ko na libre ko to?"

"Ano ka ba? Joke lang un no, Napaka walang kwenta ko naman lalaki kung ikaw pa ung pag babayarin ko."

I stared at him, speechless. Sabay clap ng kamay, natawa ung cashier, "Huwaw! Nicolo! Na isip mo un? GRABE! Saludo ako sayo!"

"Well..." Nag shrug ung shoulders niya. Sabay taas ng isang kilay at smile. Hay nako, ang kapal ng mukha, feel na feel.

---

Nakatayo kami ulit sa tapat ng sea side. Naka tingin ako sa highway. All of a sudden, naramdaman kong hinug niya ako. Super bilis na naman ng tibok ng puso ko. "Allyn, sorry ha. Baka na offend na kita, dahil kanina pa kita ina asar."

Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam sasabihin ko. "Para kasing nasaktan ako... perhaps, I’m not used to see you sad, so I told myself, that I'll try my best to make you smile today, even though, I'm going overboard. Sorry, baka na pikon ka na sakin... at the same time, I hope, I did make you smile today."

Na iiyak ako. Parang siya pa lang nakapag sabi ng ganon sakin. Ang bait bait niya. I sucked in some lungful air, sabay pinch ng nose. Ganito, ang tamang gawain para hindi maiyak.

Biglang nag vibrate ung phone ko, at nag ring ng uber lakas. Na distract kami pareho, binitawan na niya ako. Dinukot ko ung cellphone ko, nag text si mommy: 'nandito na kami.'

I looked upward, nandun na nga ung car, naka park. Hala, yari. PATAY. Baka nakita kami. Bingo to sa haus.

"Nicolo, nanjan na daw sila mommy. Una na ako."

"Okay, ingat ka." He bent down and picked up all of my things. Then he passed it to me with a grin.

"Bye." I waved my hand goodbye tapos tumalikod na ako sa kanya, sabay lakad ng mabilis. SHET!!!

"Allyn, wait!" Liningon ko ulit siya. Lumapit siya sakin, tapos hinawakan niya ung face ko with his two hands. He leaned further.

Napalunok na naman ako. I felt his lips brush on my forehead. I stood dumbfounded.

Ba... bakit niya ginagawa to? Then he whisper, "Nag enjoy ako sa date natin, hope to have more, call me once you got home." Napa tango na lang ako, nanlalaki pa din ung mata ko. Tinalikod niya ung katawan ko, sabay tulak sakin.

I blinked my eyes, countless times.

Hala...

Ano tong nararamdaman ko?
______

SORRY naman kung hndi ko to ina apdate. HAHAHHA =)). YAN HA! uber haba! hinati ko pa sa 2 chapters.
*pangalumbaba -- idk if I got the correct spelling, na bbulol ako eh! HAHAHA. I so searched it on google na lang. haha. Basta

alam nyo na un! HAHA.

2/7/10
8.20am