| Fan Fiction |
by ♥ako_ay_ako♥
"Sabi ko naman sa iyo, agahan mo di ba? Pwede namang umalis ka ng office nang mas maaga. Pinagbilinan mo na sana si Myrla." anang kasintahan niya, tukoy ang sekretarya.
Si Joross ang general manager ng kompanyang kanyang pinapasukan. Doon na rin sila nagkakilala at nagkaligawan hanggang sa dumating na nga ang oras ng kanilang pagpapakasal.
Napangiti siya sa alaala. She had been with the company for three years now. Wala naman siyang naging problema sa mga kasamhana niya roon. Even their immediate boss na ama ni JOross ay mabait sa kanya. Wala siyang narinig na panunuya mula sa mga kasamahan at sa pamilya ng binata buhat nang siya ay maging kasintahan nito.
At kahit kailan, sa duration ng pagiging magkasintahan nila ng binata ay hindi lumaki ang ulo niya. Kapag nasa opisina siya ay empleyada at boss ang relasyon nilang dalawa. Nagiging magkasintahan lamang sila uli kapag uwian na.
"O, sorry na. Kasi naman, malapit na akong mag leave, kaya naman gusto ko,wala akong maiiwang trabaho," lambing-paliwanag niya.
"Okay okay. Just make sure you won't take long. Remember, i-me meet pa natin yong best friend kong balikbayan."
"okay, O sige, bye-bye na. nandito na ako sa MRT station," paalam niya sa kasintahan.
"Sige. Bye and ingat," bilin nito at pagkatapos ay ini-off na nito ang cp.
Nagmamadaling ini-off na rin niya ang sa kanya at nag-concentrate na siya as pagpanhik. Humihingal pa siyang pumila sa bilihan ng ticket dahil na rin sa tarik ng kanyang inakyat.
Nakabili na siya ng ticket at nagmamadali pa rin siyang pumila sa turnstile. Pumuwesto siya sa pasukan at naghintay ng kanyang turn para makapasok. Napakunot ang noo niya dahil napuna niyang hindi makapasok-pasok ang malaking lalakig sinusundan niya.
"Excuse me,"tawag niya rito. Agad naman itong lumingon. Naka-shades ito kung kaya't hindi niya sigurado kung sa kanya ito nakatingin.
"Hindi po riyan dapat isuksok ang ticket, sa kabila,"paliwanag niya sa mamang MIB. All-black ang getup unito.
Tumango lang ito sa kanya at sinunod siya.
~*~**~*~**~*~
PABABA pa lamang siya sa lower level ng stattion ay may paparating ng train. Nagmamadali siyang bumaba at eksaktong tumigil ito sa kanyang harap. Natuwa pa nga siya at kakaunti pa lamang ang nakasakay. May nakita siyang mangilan-ngilang bakanteng upuan. Nakakangalay din naman ang magtayo.
Agad siyang pumasok pagkabukas pa lamang ng pinto at may pagmamadaling tinungo ang isang bakanteng upuan. Ngunit sa pagkadismaya niya ay bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan ang isang lalaki; walang sabi-sabing umupo ito sa tina-target niyang pwesto. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na lamang at magpunas ng pawis.
Palihim niyang tinitigan ang lalaking "pangahas". Awtomatikong umarko ang isang kilay niya nang makilala ito. He was the same man na tinulungan niya kanina sa pagsuksok ng ticket.
Tiningnan niya ito. Hindi nga ito gwapo, but definetly attractive. Iba ang dating ika nga. Bigla niyang binawi ang tingin niya ng makitang ngumit ito. A cynical smile! Agad din siyang pinamulahan ng pisngi.
Sa pagkapahiya ay hindi na niya namalayang huminto na pala sila sa Shaw Boulevard. Nagulat pa siya nang walang pasabing tumayo tio, sanhi upang sila ay magkaharap nang halos magkadikit. Sa taas niyang five feet 5 inches ay umabot lamang siya sa bandang itaas ng matipunong didib nito.
She smelled his scent-a mixture of wood and man's virility. Hindi siya kaagad nakapag-react;kung hinid pa ito muli ngumiti nang tila nakakaloko ay hiid siya titinag. Agad siyang bumitaw sa tubong haligi upang bigyang-daan ito, saka pa lamang siya sumunod dito; bagkus ay patakbong pumunta siya sa CR upang iayos ang sarili.
~*~*~**~*~*~**~*~
AGAD na napakunot ang kanyang noo sa nakita niya. She was now approaching the cafe kung saan sila magkikita ni Joross. Kaagad naman niya itong nakita, ngunit may kasma ito. Hindi niya gaanong makita ang mukha ng lalaking kausap nito dahil nakatalikod ito sa kanyang direction. All she could see was he was wearing an all-black outfit.
Habang lumalapit siya ay unti-unting umaatake ang nrebiyos sa kanya. She swore she knew the man with Joross. Alanganing nagpatuloy siya sa paglapit sa mga ito.
Kaagad naman siyang nakita ni Joross, may sinabi ito sa kausap na sa wari ay ipinapaalam ditong dumating na siya. Dalawang hakbang na lamang siya mula sa mga ito nang biglang lumingon ang lalaki...sa kanyang pagkagula. Ito ang at ang lalaki sa MRT ay iisa!
God help her, pero parang nanigas yata ang mga binti niya dahil sa nerbiyos at pagkapahiya. Iniisip pa rin niya ang engkuwentro nila kanina sa MRT/
Agad namang lumapit sa kanya si Joross na tila inakalang nahihiya lamang siyang lumapit. Alam nitong medyo ma pagkamahiyain siya. But this time ay talaga namang kakaibang hiya ang kanyang nararamdaman.
"Pare, I'd like you to meet my very-soon-to-be wife!"masiglang pagpapakilala ni Joross sa kanya sa lalaki. Mahahalata sa boses nito ang di-maitagong kasiyahan at kunting pagyayabang."Babes," baling nito sa kanya, "this is Jake, my best friend. Jake Cuenca."
Nag-alis muna ito ng dark glasses at saka ngumiti. "Pleased to meet you, future Mrs Gamboa." His lips twisted in one corner as he teased her. And the he grabbed her hand saka marahang pinisil na lihim niyang ikinapitlag.
All she could say was simple "Same to you" reply. Medyo hindi pa iya nakaka-recover sa presensiya nito.