| Fan Fiction |
by ♥ako_ay_ako♥
ISANG katok sa pinto ng knayang kuwarto ang nakapagpatigil kay Jake mula sa pag-eempake. Siguro ay ang ina niya iyon. Kagabi pa niya ito pinapaliwanagan tungkol sa kanyang pag-alis. he sighed at bale-walang binuksan ang pinto.
It was Joross.
Saglit silang nagsukatan ng titig. Halata ang puyat sa mukha nito. Ah, siguro ay napuyat sa 'ginawa' nila kagabi. Sa naisip ay kaagad na nag-init ang ulo niya. Sinundan niya ang mga ito kagabi upang tiyakin kung tutuloy nga sa paglabas ang mga ito. But it just made him restless. halos ibangga na niya ang dina-drive na kotse.
"Can I come in?" basag ni Joross sa katahimikang namagitan sa kanila.
Tumango lamang siya.
"You're leaving," anito nang mapansin ang mga ineempake niyang gamit.
"Hindi ba't nasabi ko na sa'yo?" Nanatili siyang nakatalikod dito at kunwa ay nag-eempake.
He could not face his best friend. Hindi lamang niya ito kaya pang pakiharapan. Isa pa ay sariwa pa sa alaala iya ang nasaksihan niya kagabi; ang makita ito at si Roxanne sa loob ng hotel na iyon. It was as painful as seeing them naked and doing- Napakalakas ang pabgabsak niya ng damit sa maleta.
"Gusto sana kitang pigilan. Hindi pa ako ikinakasal." anito.
"Hindi mo kakayanin. Kung si Mama nga, hindi ako napigilan. At saka I think I won't be needed there. Ayaw mo non, mababawasan ang papakainin mo?" Ginawa lamang niyang biro ang sitwasyon
"Why?"
"I have to."
"Why?"
"Because I have to!" Naiiritang napataas nang kunti ang boses niya. "And I can't tell you why." Muli siang bumaling dito- and was slightly disappointed. Has he finally find out? tanong ng isip niya. No, sagot ng kabilang panig ng utak niya.
Kung nangyari mang alam na nito, iisa lang ang tiyak niya. Magagalit ito. But Joross had always been the cold-headed one; galit na ito ay naidadaan pa rin nito ang lahat sa pakikipag-usap. As for him, he always wanted action.
HUmakbang ito patungo sa mga shelves niya, kinuha ang basebal bat na naroroon. It was the bat he used during their elementary days. Hinimas-himas nito iton at ipinapalo sa ere.
"Why are you here?" tanong niya. His face was grim.
Napahinto ito sa ginagawa. "I wanted to talk to you," pakibit-balikat nitong sabi,isinampay ang hawak na bat sa likod nito.
"Walang definite date ang alis ko, baka hindi na kita mapasabihan," aniyang nakatingin sa pagkakahawak nito sa bat; it was tight, too tight na pakiramdam niya ay leeg niya ang hawak nito. Wala sa loob na nahawak siya sa sariling leeg.
"It's okay," sagot nitong ibinalik ang bats a pinagkuhanan nito. "Available ka ba tonight?"
"Why?"
"I'll treat you and Roxanne to dinner, nagpa-reserve ako sa Mandarin Hotel. Padespidida ko na rin sa'yo."
"I...don't think so," naiiling na wika niya.
"Why not?"
"Hindi ko kaya."
"What were you saying?"
"Nothing. I-hindi ako pwede."
"Oh, c'mon, Jake. Last na ito. isa pa ay hindi ka pa nakakapagpaalam kay Roxanne. You two are friends." May diin ang pagbitaw nito sa huling salita.
"No. You don't know what you are saying," tutol niya.
"Of course I know."
Saglit siyang napatitig dito.
"We've been friends since-ni hindi ko na matandaan sa tagal," wika nito. "I never doubted your loyalty as my best friend. And I can't believe myself, that you'll be the one who's going to take it away it away from me."
Naguguluhang itinigil niya ang ginagawa at hinarap ito.
Marahas itong bumuntong-hininga. Sa tingin niya ay mas haggard na itong tingnan ngayon kompara kanina. "I love Roxanne. She's the best thing that ever happened to me. And marrying her, I thought, would be the best way to keep her." Pilit itong ngumiti.
He felt proud of him. Nasasaktan na ito, and yet, nakukuha pa nitong ngumiti.
"I didn't want to do this to you," paghingi niya ng dispensa. there was no denying now. Joross was sharp as he was para hindi nito malaman iyon.
"Yeah. And I want to hit you for that."
Saglit siyang natigilan sa intensidad ng sinabi nito."Or maybe kil you, for taking her away from me." Mapait ang tinig nito. Mababakas sa mga mata nito ang tinitimping galit.
he inhaled sharply. "Go on," hamon niya, inihanda ang sarili sa atake nito. "If it pleases you, then kill me. BUt I want you to know that I can't afford to lose her too. But you are my best friend, Joross. Had it been another man, hindi ako magdadalawang isip na kunin siya," matatag niyang sabi. If this will be the cause of the breakage of their friendship, mas magadna nang ilabas niya ang tunay niyang nasasaloob.
Nagagali siya. Nagagalit siya sa kanyang nararamdaman; nagagalit siya sa nakikitang paghihirap ng kanyang kaibigan, at higit sa lahat, sa sarili niya.
He took the blow angrily. Hindi naman niya ito ginantihan, Hinayaan niyang ibuhos nito roon ang lahat ng nararamdaman nito. After all, this was the very first time they would hit each otherr. Ang sabi, makikilala daw ang isang kaibigan kung malalagay ang mga ito sa isang alanganing sitwasyon.
Tiningnan niya ito. Dama niya ang sakit na sanhi ng mga suntok nito. Ngunit mas masakit ang nakikita niyang paghihrap nito. Hitiing your best friend was as painful as hitting yourself, at iyon ang nakikita niya rito.
"Ano? ba't ayaw mong lumaban?" angil nito sa kanya.
Tumingin lamang siya rito at paikang tumayo, saka magtungo sa banyo. Paglabas ay dala na niya ang isang hand towel. Walang salitang iniabot niya ito rito. Tinanggap naman nito iyon nang pagalit. Naiiling na nagpatuloy siya sa pag-eempake na parang walang nangyari, pilit inaalis sa isip ang sakit na nararamdaman.
"I've been thinking a hundred times. Why you did this to me," nahahapang basag ni Joross sa katahimikan nia.
"And I've been doing the same thing, thinking." Hindi siya tumingin dito.
"Mahal mo ba siy?"
Saglit siyang natigilan. "Hindi ko sisirain ang pagkakaibigang iot kung hindi," matatag niyang sagot.
"Kahit na...may nangyari na sa amin?" Pailalim ang naging tinig nito.
Iniwan na niya nang tuluyan ang kanyang ginagawa. Tila bombang sumabog sa isip niya ang sinabi nito. Pakiramdam niya ngayon ay tila ngayon ay tila gustp niyang gawon ang ginawa nito sa kanya kanina lang.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita, tinitmpi ang galit. "Hindi ako ganoon kababaw, Joross." Ang mga mata nya ay naglalabas na ng apoy nang bumaling siya rito.
"Then you should not go!" bulalas nito- na ikinagugulat niya. "You will attend that damn wedding and that's final!"
Muli niyang ibinalik ang pansin sa ineempake. "You don't know what you are asking for." naiiling na wika niya. Napangwi siya sapagkat nagsisimula nang mamanhid ang kanyang mga panga.
"Wipe that damn blood," asik nito, tukoy sa dugong lumabas mula sa pumutok niyang labi.
Saglit siyang tumingin sa hand towel na bumagsak sa tabi niya. At nagkatawanan na lamang sila.
"MAs dapat na hindi ka na umalis," wika nito.
Wala pa rin siyang masabi.
Lumapit ito sa kanya, inakbayan siya nang mahigpit. "Listen-"
END OF JAKE's POV