Fan Fiction

S.H.I.N.I.A.N._24:)

by noelle_01

Chapter 1

C.O.M.P.L.E.T.E.L.Y

-->eto na po ang update ^_^

*****

Naka-upo lamang si Shin almost isang araw na din sa harap ng kanyang computer monitor. Gusto niya kasing maging romantic iyon. Last novel na niya ito at gusto niyang tumatak iyon sa mga mambabasa nya. Napagdesisyonan na niya kasing umalis papuntang Britanya para doon na tumira. Tiningnan niya ang screen at kinagat ang labi. Hindi siya kontento doon dinelete niya ang linya. Ilang minuto pa ang nakakaraan di pa rin siya nakuntento. With a resigning sigh, sinave na niya ito at pinatay. Tumingin siya sa kuwarto at sumimangot. Ang lungkot nito. Umupo lamang siya sa upuan at tiningan ang mga printed papers. Makapal-kapal na iyon. Ipapasa na kasi niya ito sa Shiann sa susunod na buwan. Mamimiss niya iyon. Biglang tumunog ang cell niya. Si Sarah iyon ang matalik niyang kaibigan. Isa ito sa mga taong mamimiss niya ng sobra. Napangiti siya

Shin: "Hello Sarskie! Napatawag ka?!" *sabi niya at pinaikot-ikot pa ang swivel chair
Sarah: "Hello din kapatid! Yayayain sna kitang lumabas ngayon...kung hindi ka busy"
Shin: Cge ba sunduin mo na ako
Sarah: Cge bye!

Habang papunta sa mall

Shin: "Sa susunod na buwan na ung alis ko" *sabi niya at tumingin sa kaibigan
Sarah: "Alam ko po...tawag ka ha?" *sabi niya at saglit na tiningnan si Shin
Shin: "Haha huwag kang mag-alala tatawag naman ako eh palagi at papadalhan kita ng pasalubong" *sabi niya at hinawakan ng saglita ang balikat ng kaibigan
Sarah: "Ikaw ha di ka nagsasabi pinapadalhan ka ng pera ng mga magulang mo daya! Kahit naglayas ka may care pa rin sila!" *pang-aasar nito
Shin: "Concentrate ka na nga lang diyan!" *sabi niya
Sarah: "OO na!

Ganito ang buhay ni Shin. Isang magsusulat. Naglayas siya dati para kunin ang gusto niyang kurso, ang literature. Swerte nga siya sa pagsusulat, pero sa paghahanap ng Mr. Right, wala ata. Hmm..kelan kaya siya makakahanap ng Mr.Right?! Marami siyang manliligaw noon pero kahit isa naman eh wala siyang nahanap. Pero let's take a look sa dating buhay ni Shin kasama ang mga mangliligaw niya..

A/N: FLASHBACK

High school pa lamang si Shin noon. Top sa mga subjects nya, at captain ball ng volleyball. Dahil dito, maraming nagkakagusto sa kanya. Mula gr.6 hanggang 4th year ay nanliligaw sa kanya. Isa na dito si Miguel.

Si Miguel ay MVP player ng basketball. Dahil dito, sila palagi ni Shin ang magkakasama sa barkada. Dahil din dito, nagkagusto siya kay Shin. Guwapo si Miguel, may tangkad na 5'6, may maganda at katamtaman na timbang, mayaman din ito at anak ng isang tanyag na abogado, pero mayabang ito. Isang araw

Miguel: "Ah Shin" *sabi niya na may bahid ng hiya
Shin: "Yes?" *tanong ni Shin at saglita na tumingin sa kanya
Miguel: *abot ng isang dosenang bulaklak "For you"
Shin: *tanggap "Para saan naman ang mga ito?"
Miguel: "Ah...gusto ko sanang ligawan kita" *sabi niya
Shin: "Pasensya ka na ha? Gusto ko kasi hindi habulin ng babae ang boy friend ko masakit daw sa ulo" *sabi ni Shin at ngumiti ng paumanhin
Miguel: "HMmp!" *inagaw ang bulaklak at umalis
Shin: *natawa

Isa pa lamang iyon sa mga paraan ni Shin para mang-basted. Meron din siyang isang manliligaw na si Kevin. Si Alvin ay ang nerd. May braces ito at malalaking salamin. May gusto ito kay Shin. Lagi din itong target ng "bully" ang payat2x kasi nito. Isang araw, lumapit ito kay Shin sabay awit ng..take note may dala pa itong gitara

Alvin: "Ohh....Shin..mahal..na mahal..kitaaha...." *medyo paos pa ito at pumiyok, pero umaawit pa ito
Shin: "Pasensya ha? Gusto ko kasi parang dinuduyan ako sa ere eh at gusto ko parang pillow yung ihu-hug ko" *sabi nya
Alvin: "Hmmp!" *sabay alis
Shin: *natawa

Isa iyon sa mga paraan ni Shin ang panghuli,.

Si Kevin naman ang top bully ng school, maraming takot sa kanya dahil mataba ito at napaka-"mean". May gusto ito kay Shin, 'yun nga lang hindi niya mahal...iba ang gusto nito sa kanya. Dahil feeling confident na takot ang lahat sa kanya, paastig2x na naglakad ito papunta kay Shin na may dalang chokolate.

Kevin: "Hi Shin" *maala-Suave na sabi nito
Shin: "Hi din Kevin!" *masayang bati niya. Kahit top bully ito ng school, di siya takot dito
Kevin: "Ligawan kita ha? Ngayon na bukas sagutin mo ako" *sabi niya sabay abot ng chocolate
Shin: "Ang bilis naman ata Kevin.." *tanggap ng chocolate na parang nahihiya, Maria Clara effect pa itong si Shin. Kinuha nya ang paypay niya at pinaypayan ang sarili na parang nahihiya "Gusto ko kasi hindi ako madurog pag magkasama tayo o pag yinayakap mo ako. Ayoko din kasi na masiraan ng upuan ang restaurant na pupuntahan natin" *sabi ni Shin sabay ngiti
Kevin: "Aba" *lapit kay Shin at hinawakan ang mukha nito ng mahigpit "Ikaw lang ang nagsabi sa akin niyan ha. Lahat na ng estudyante ng paaralan ay nanonood
Shin: "Aba!" *sabi ni Shin at hinawakan ang kamay ni Kevin. Sinipa niya ito sa tuhod, she also did some defense skills she learned nung nagtataekwando pa siya. Sa huli, napatumba niya si Kevin. Ngumiti lang si Shin at tinalikdan si Kevin. Nakatingin lang lahat sa kanya

Ito ang mga madalas na palusot ni Shin o style sa mga manliligaw. Ang totoo kasi niyan, ay hindi pa niya nakikita ang mga katangian na gusto niya sa kanila...kaya wala siyang sinasagot.

A/N: BACK TO REALITY

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na din sila sa mall. Kumain muna sila sa isang restaurant at naglibot-libot.

****
to be continued, thanks for reading! ^_^

-noelle_01-