| Fan Fiction |
by noelle_01
****
Nang sumunod na gabi, inaantay ni Shin si Ian na umuwi. Magtatanong sana kasi ito kung pwede siyang lumabas bukas para maglibot-libot kasama si Sarah nabobore na kasi siya sa bahay. Hindi naman niya a alam na may party pala sa restaurant dahil kaarawan ng isa sa mga tauhan nito. Mga past 11 na nakauwi si Ian. Sa pag-aantay naman ni Shin, hindi niya namalayan na nakatulog siya sa sofa.
Ian gently rocked her to wake her up
Shin: *nagising at dahan2x tumayo "Andiyan ka na pala"
Ian: "Bakit naman dito ka natulog?"
Shin: "Inaantay kasi kita eh"
Ian: "Sana hindi mo na lang ako inantay noong hindi ako nakauwi mga 8 pa...masama sa iyo ang magpuyat"
Shin: "Eh paano naman kung may mangyari sayo? Hindi ka naman nagsabi eh"
Ian: "Ewan ko sa'yo" *nauna sa taas
Shin's POV: 'Sungit nito hmmp!!'
Nang sumunod na araw naman, maaga pang umalis si Ian. Naiwan nanaman si Shin mag-isa. Dahil bored ito, umalis ito nang mag-isa at naglibot-libot sa mall. Hindi na niya isinama si Sarah dahil gusto niyang mapag-isa. Namili siya ng mga stuff toys, at iba pang baby accessories. Bumili din siya ng mga damit niya na pang-buntis at isang simpleng necktie para kay Ian. Dahil hindi namalayan ni Shin ang oras, naka-uwi na ito mga 8:30. Pag-uwi niya, nakita niya si Ian na naka-upo sa sala at nakatingin ng seryoso sa kanya. Iniabot niya ang mga pinamili kay Manang at umakyat. Hindi niya pinansin si Ian. Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya.
Shin's POV: 'Bahala ka sa buhay mo!'
Ian: "Saan ka nanggaling?"
Shin: *nagsungit "Hindi mo ba nakikita na pumunta ako ng mall at namili?"
Ian: "Sana nagsabi ka na gagabihin ka! Para hindi na ako mag-antay at mag-alala sa'yo rito"
Shin: *napatingin kay Ian at bumaba
It looks as if a fight is about to start
Shin: "Eh ikaw nga kagabi eh ginabi ka..."
Ian: "Eh hindi naman ako nagdadalang tao eh paano kung may nangyari sa'yo?"
Shin: "Wala namang nangyari sa akin kaya kalimutan mo na 'yun!"
Napikon si Shin kaya naman umakyat ito. Dumiretso na ang dalawa sa kani-kanilang mga kuwarto. Pero pareho namang hindi makatulog ang dalawa.
Nang sumunod na umaga, ganoon pa rin ang nangyari. Nang hapon ng araw na iyon, naglibot-libot si Shin sa subdivision at naupo sa swing sa may playground. May lumapit na lalaki sa kanya.
Boy: "Shin?!"
Lumingon naman si Shin sa lalaki. Nagtataka ito kung paano niya ito nakilala.
Shin: "Excuse me..pero sino ka?"
Boy: "Don't you rememer me na? Tampo na ako niyan ha! Hello?? Si Erik to noh! Erik Santos! Shin c'mon!"
Nagisip-isip muna si Shin..
Shin: *tumayo at yinakap si Erik "EErrriiikk!!" *broke the hug "Grabe ang tagal nating hindi na nagkita ha...grabe! Kamusta ka na??" *smiling
Erik: "Well..eto masaya...ikaw?"
Shin: "Okay lang din...dito ka rin nakatira?"
Erik: "Hindi binibisita ko lang si Jed"
Shin: "Ah I see..."
Erik: "Ikaw?"
Shin: *turo sa house ni Ian "Aun oh"
Erik: "laki ha..yaman talaga ni Shin!"
Shin: *palo kay Erik "Ikaw ha..."
Erik: "Eto naman parang ngayon lang nakatikim ng palo.." *natawa "Shin...mauna na ako ha? Nakita kasi kita eh kaya ganoon..'wag kang mag-alala, may kukunin lang ako..mamayang gabi bibisitahin kita"
Shin: "Cge aasahan ko yan ha?"
Erik: "Cge bye bye! Mag-ingat ka ha?"
Nakangiti naman na umuwi si Shin. At maya-maya nga, noong gabing iyon, ay bumisita si Erik. Nag-uusap sila at nagtatawanan nang dumating si Ian. Napatigil si Shin.
Shin: "Ian..si Erik pala kaibigan ko"
Ian: *deadma lang
Erik: *nahiya "Ah Shin, wrong timing naman ata ako eh,..cge balik na lang ako sa susunod ha?"
Shin: "Cge mag-ingat ka ha?"
Pagka-alis ni Erik, bumaba naman si Ian
Ian: "Sino un?"
Shin: "Si Erik kaibigan ko"
Ian: "Kaibigan nga ba o ka-ibigan?" *sarcastic
Shin: "Ian ano ba! Sabi ngang kaibigan lang eh!"
Ian: "Ayaw ko ng mga bisita dito! Lalo na pag hindi nagpapa-alam sa akin!" *shouting
Shin: *shouting na din "Eh hindi ko naman alam eh! Tsaka wala naman kaming ginagawang masama! Nag-uusap lang kami!
Ian: "Nag-uusap?! Dala ng tawanan?!?! Un ba un Shin?!?!"
Shin: "Ian ano ba! Sabi nga na wala kaming relasyon eh!"
Ian: "Deny ka pa totoo naman! Sa susunod, kung makikipag-landi ka, wag dito sa bahay ko! Buntis ka nakikipag-landi ka pa!"
Nabigla si Ian sa nasabi nito. Nakita niya na naiiyak na si Shin. Pero hindi. Hindi umiyak si Shin. Instead, she walked up the stairs swiftly and went to her room. Doon, inempake na nito lahat ng gamit niya. She can't stand staying in that house. Sobrang-sobra ang galit na naramdaman nito. Nakita na lamang niya si Manang na nakatingin sa kanya. Sa sobrang galit nito, hindi na niya nakita ang mga hakbang at...
"SSHHIINN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
****
to be continued, thanks for reading ^_^
noelle_01