| Fan Fiction |
by mm
GERALD: Sige mauna ka na, papanoorin na lang kita.
KIM: Bahala ka.
Nagkasya na lang si Gerald sa kapapanood kay Kim.
GERALD: Ano ba Gerald baka matunaw na si Kim sa katitig mo, but gawd I can't help it. She is so beautiful even without make up.Gerald ang tanga-tanga mo sana noon pa nakinig na ako sa mga sinasabi ni Mommy at mga kaibigan ko. Sana hindi ko na lang pinairal ang galit at selos di sana...
KIM: Ano bakit tulala ka nanaman diyan? Wala ka ba talagang balak maligo or magmumukmok ka na lang dito?
GERALD: Hindi ah, gusto kong mag jetski. Gusto mong sumama?
(sabay abot kay Kim ng towel)
KIM: Oo ba basta ba promised mong papayagan mo akong magdrive kahit minsan lang.
GERALD: Bakit marunong ka ba?
KIM: Oo naman.
GERALD: Tinuruan ka ni Daddy?
KIM: Nagbibiro ka ba, si Daddy tuturuan ako. Alam mo naman kung gaano kaistrikto iyon akala yata palagi akong madidiskrasya.
GERALD: Eh clumsy ka naman talaga eh.
KIM: Hindi kaya.
GERALD: Eh sino nagturo saiyo?
KIM: Si Matteo
GERALD: Matteo?
KIM: Matteo Guidicelli
GERALD: Iyong car racer?
KIM: Oo
GERALD: Kilala mo siya?
KIM: Hello, paano niya ako matuturuan kung hindi ko siya kilala.
GERALD: Paano kayo nagkakilala?
KIM: Pinakilala siya ni Erich
GERALD: Si Erich na pinsan ko?
KIM: OO bakit? What's wrong with you ba?
GERALD: So close kayo?
KIM: He is my ex- boyfriend, ano jetski na tayo?(sabay hila kay Gerald)
GERALD: (quiet suprised to hear na nagka boyfriend si Kim, alam niyang maraming nanligaw dito pero wala siyang alam na naging karelasyon ng dalaga, well kailan ka nga ba nagkaroon ng pakialam sa kanya Gerald. You always take her for granted ngayon feeling disappointed ka bakit dahil nalaman mong hindi lang pala ikaw ang naging gusto ni Kim na infact may minahal siyang iba aside from you.)
KIM: Hoy ano sasakay ba tayo.
GERALD: Ah, eh oo
Nag- enjoy silang dalawa, infact sa sobrang enjoy nila nakailang ikot din sila.
GERALD: Ano nag- enjoy ka?
KIM: Sobra
GERALD: asus aminin mo na nag- enjoy ka dahil panay ang yakap mo sa akin.
KIM: Ang kapal mo talaga ano, paano na hindi ako yayakap saiyo eh ang bilis bilis mo kaya.
GERALD: Palusot ka pa eh, aminin mo na kasi hindi naman ako magagalit.
KIM: Bahala ka sa buhay( sabay alis)
GERALD: Hoy saan ka pupunta akala ko ba sasakay pa tayo sa banana boat.
KIM: Sumakay kang mag-isa mo.
GERALD:(Grab her wrist) heto naman hindi na mabiro, sorry na. Sige na samahan mo na ako.
KIM:(Hindi pa rin umiimik)
GERALD: Please
KIM:( naku kung hindi ka lang cute she whispered) Sige na nga.
GERALD: Thank you( sabay hila sa kanya)
Sumakay nga sila sa banana boat. After a while natapos din sila.
KIM: Hoy baka akala mo hindi ko napapansin na panay ang chansing mo kanina doon ha.
GERALD: Wala akong alam sa pinagsasabi mo.
KIM: Eh panay kaya ang yakap mo.
GERALD: I'm just being gentleman, ayaw kong mahulog ka.
KIM: Kaya nga ako nahulog dahil saiyo.(sabay upo at nagpunas)
GERALD: Hindi ah.(umupo rin sa tabi ni Kim then pinagmamasdan lang niya ang dalaga)
KIM: Alam mo alam kong maganda ako pero huwag ka namang masyadong tumitig.
GERALD: Bakit affected ka.
KIM: Ulol( sabay tapon ng towel sa kanya)Hayan punasan mo sarili mo.
GERALD: Ilang taon kayo ni Guidicelli?
KIM: Ha! Bakit? akala ko tapos na tayo sa topic na iyan.
GERALD: Wala lang curious lang ako.
KIM: two years
GERALD: Bakit kayo naghiwalay?
KIM: Bakit ba parang intresadong intresado ka ha?
GERALD: Just answer my question. Please
KIM: It was a mutual dacision, were both young at that time and we want to concentrate with our career.
GERALD: Ganoon lang? Do you still love him?
KIM: Love? hindi ko alam, all I know is he will always be special. Sabi nga nila first boyfriend will always be special.
GERALD: Sino si Sam sa buhay mo?
KIM: Paano napunta kay Sam ang usapan?
GERALD: Alam mo bang kinausap niya ako, so curious lang ako.
KIM: Sinabi nga niya sa akin, pasensiya ka na ha. Sino nga ba si Sam sa buhay ko. He is my bestfriend, kung may taong nakakakilala sa akin si Sam iyon. Naku ha napapansin ko bakit ako ang pinag-uusapan natin. Di ba sabi mo gusto mong mag wakeboard. Tara para mapanood kita, sabi nila magaling ka daw eh.
GERALD: Oo naman
KIM: Hindi ka rin mayabang ano.
GERALD: Sinasabi ko lang ang totoo, ayaw mong maniwala. Common let's go para makita mo kung gaano ako kagaling.
(sabay hawak sa kanyang kamay)
Nakailang rounds na rin si Gerald sa kanyang pag wawakeboarding ng mapansin niyang may kausap si Kim na binata dahil doon nawala ang kanyang concentration kaya siya ay sumimplang at nakita iyon ni Kim.
KIM: ( at ito ay napasigaw) Gerald, sabay takbo papunta kay Gerald, ni hindi na siya nakapagpaalam sa kausap.
Hindi naman nasaktan si Gerald kaya pagkaahon niya sa tubig.
KIM: Ano nasaktan ka ba? okey ka lang?Ano bang nangyari?
GERALD: Okey lang ako, medyo nawala lang concentration ko.
Sino iyong kausap mo?
KIM: Ha!
GERALD: Iyong lalaking kausap mo kanina?
KIM: Ay, robi daw ang pangalan pero hindi ko na masyadong napakingan ang apelyido niya kasi nga nakita kitang sumimplang.
GERALD: Bakit ka niya kinakausap at bakit ka nakikipag-usap sa hindi mo kilala. Hindi mo ba alam na delikado iyon.
KIM: Anong bang nangyayari saiyo, hello hindi na po ako bata at mukhang harmless naman po iyong tao. Gusto lang daw makipagkilala.
GERALD: Kahit na. Next time huwag na huwag mong gagawin iyon.
KIM: (just look at him)
GERALD: Kimmy, narinig mo ba ako.
KIM: Alam mo kung hindi lang kita kilala, iisipin kong nagseselos ka.
GERALD: Ako nagseselos? in your dreams.
KIM: (medyo nasaktan pero hindi pinahalata)Don't worry alam ko naman eh na kahit kailan hindi ka magseselos sa akin dahil hindi mo naman ako gusto. Common let's go na medyo nilalamig na ako.(hindi na hinintay si Gerald)
GERALD: (eh bakit ka galit kanina nang makita mong may kausap siyang iba, di ba kaya ka nga nawalan ng concentration dahil sa nakita mo at saka bakit nasaktan ka ng malaman mong nagkaboyfriend si Kim)